| chapter 26 : new beginnings |

16 1 0
                                    

| chapter 26 : new beginnings |

اوووه! هذه الصورة لا تتبع إرشادات المحتوى الخاصة بنا. لمتابعة النشر، يرجى إزالتها أو تحميل صورة أخرى.

| chapter 26 : new beginnings |

THIRD PERSON'S POV


"LIGHTS . . . camera . . . action!"

Sa kabila ng pagiging mahinhin ay umalingawngaw ang malakas na sigaw ni Mace. Siya ang naatasang mamuno sa ikalawang pangkat kaya naman buong-puso niya itong tinanggap. 

Hindi man sanay sa ganitong mga gawain, hindi naman nagreklamo si Mace bagkus tiningnan itong isang magandang oportunidad upang paglinangin pa ang kaniyang mga kaalaman.

Agad namang naghanda si Claude bago pumwesto sa isa sa mga swing sa palaruan. Ang pagtabi sa nag-iisa at nagmumuni-muning si Prezy ang hinihinging eksena kay Claude. 

Hindi nalalayo ang kaniyang karakter sa totoong personalidad sapagkat likas na sa kaniya ang pagiging maalalahanin sa iba lalong-lalo na kapag nakikita niya itong problemado.

Agad namang nagpalitan ng linya sina Claude at Prezy. Halos nakailang ulit na ang mga ito sa pagbuo ng iisang eksena ngunit hindi pa rin makuntento ang tumatayong direktor nila na si Mace.

Gusto niyang maging perpekto ang lahat. Tinitiyak niya na ang bawat eksena ay magmumukhang makatotohanan at hindi mukhang pinilit lamang.

Matapos makuntento sa tagpong iyon ay kaagad namang nagpasya si Mace na lumipat sila ng lugar na pagkukunan ng susunod na eksena. Ngayon nama'y si Ned, Quinee at Gidget ang naghanda para sa kanilang gagawin sa harap ng camera.

"Guys, 'yong execution 'wag na 'wag niyong kakalimutan, ha? We can do this. Hindi tayo mga artista but somehow, we can relate to these characters kaya sure ako, kaya niyo ring ipakita agad ang required emotions ng bawat lines at scenes dito sa script," marahang paalala ni Mace habang naglalakad ang buong grupo papalabas, kung saan nila gagawin ang susunod na eksena.

Sa paglalakad ng grupo papunta sa maliit na parke sa labas ay nakasalubong nila ang committee na si Comby. Nakasuot pa ito ng sunglasses habang nakakapit sa isang bunga ng bukong may straw at kaniyang hinihigop. Agad namang nginitian ni Comby sina Mace bilang pagbati.

"Nice, nagsu-shoot na pala kayo!" bahagyang itinaas pa ni Comby ang suot na sunglasses sa kaniyang ulo kaya't sumalubong sa kanila ang mapupungay na mata ng binata. "By the way, may free buko juice pala kayo doon sa isang stall. Nag-sponsor kasi sila para sa Project Betterment kaya kung gusto niyo rin ng ganito, 'wag na kayong mahiyang pumunta sa shop nila," pahayag pa ni Comby at saka itinuro ang isang shop na ngayo'y pinipilahan ng maraming customers mula sa iba't ibang resorts.

"Wala bang nag-sponsor ng shawarma?" biglang tanong naman ni Ned dahilan upang mapangiwi ang hindi makapaniwalang si Comby.

"Wala pa pero para sa 'yo, manghihingi kami ng sponsorship sa isa sa mga brand na naririto," giit na lamang ni Comby kaya't agad namang napathumbs-up si Ned dahil sa tuwa.

Escaping Paralysis (Completed)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن