| chapter 13 : genuine happiness |

17 1 0
                                    

(chapter theme: Cup Of Joe - Hayaan)

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

(chapter theme: Cup Of Joe - Hayaan)

| chapter 13 : genuine happiness |

THIRD PERSON'S POV


"ALAM mo, kung may isang bagay man akong natutunan mula sa mga bagay na isinampal sa akin ni Glacial, that is to prioritize yourself. Magagawa mo lang 'yon if you choose to be happy. And you'll be able to be genuinely happy if you pursue the things you love doing. Ikaw . . . sa tingin mo ba, masaya ka sa buhay mo? Nagpapakatotoo ka ba sa sarili mo?"

Diretso man ang tingin sa kanilang dinaraanan ay malinaw na malinaw na naintindihan ni Cabin ang mga gustong iparating ng kaibigang si Jimloyd sa kaniya. Mula pa kanina ay hindi niya pa rin binibitiwan ang bitbit na camera lalo pa't sa tuwing may madaraanan silang mga bagay na nakapupukaw ng atensyon ay agad nitong kinukuhanan ng litrato.

Hindi naman makapaniwala si Cabin sa tinuran ng kaibigan. Para bang sa isang iglap ay hindi na ito ang Jimloyd na kilala niyang maloko. Hindi niya inakala na darating ang pagkakataong ito na sa pamamagitan lamang ng mga salitang sinabi ni Jimloyd ay para bang nahimasmasan siya't may kung anong napagtanto.

"O-Oo naman! Bakit mo naman tinatanong 'yan?" pagmamaang-maangan naman ni Cabin. Hindi pa rin nito iniaalis ang tingin sa dinaraanan.

"Masama ba? Papaano kung nagkukunwari ka lang pala na masaya, 'di ba? Tapos ako pala ang makakapagpa-realize sa 'yo na hindi pala talaga. Mapa-proud talaga ako sa sarili ko kapag nagkataon," paliwanag naman ni Jimloyd. Napabuntong-hininga naman si Cabin na animo'y bumubwelo sa sasabihin.

"Siguro lahat naman tayo, dumaan sa puntong kailangan nating magkunwaring maging masaya dahil iniisip nating parang ang selfish ng idea na magiging masaya ka nga, pero may masasaktan ka namang ibang tao," pangangatwiran ni Cabin bagay na sa isip-isip ng kaniyang kaibigan ay hindi niya ito sinasang-ayunan.

"Kung habambuhay mong aalalahanin ang iisipin ng ibang tao, kailan mo uunahin ang sa sarili mo?" Napahinto sa paglalakad si Cabin dahil sa narinig. Agad namang nakaramdam ng pag-aalala si Jimloyd kaya't tumigil din ito sa paglalakad at saka humarap sa kaibigan.

Hindi maikakaila na bakas ang kalungkutan sa mga mata ni Cabin. Madalas mang tumatawa o nagbibitiw ng mga nakakalokong salita, alam ni Jimloyd na ang lahat ng iyon ay pansamantala lamang. Sa ilang araw na magkasama sila at halos hindi na naghihiwalay, unti-unti na rin niyang nakikilala si Cabin at kaakibat nito ay ang pagtanggap sa pagkatao nitong pilit na ikinukubli.

"Gaya ng iba sa mga kasamahan natin dito, minsan na rin akong nagbalak na gumawa ng masama sa sarili ko. Hindi ko rin maintindihan ang dahilan, pero naramdaman ko na lamang isang araw na parang pagod na pagod na ako sa lahat ng bagay. Para bang nakakasawa ng ipilit ang sariling makibagay sa mundong 'to. Para bang nauubusan na ako ng dahilan para magpatuloy." Sandaling napahinto si Jimloyd at ipinatong ang isang kamay sa balikat ng kaibigan. "Pero mula nang imulat mismo ni Glacial sa akin na hindi pa huli ang lahat para maging masaya at para maging malaya, doon ko lamang din natutunang pahalagahan ang sarili ko."

Escaping Paralysis (Completed)Where stories live. Discover now