| chapter 22 : stolen moments |

21 1 0
                                    

(chapter theme: Nag-iisang muli - Cup Of Joe)

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

(chapter theme: Nag-iisang muli - Cup Of Joe)

| chapter 22 : stolen moments |

THIRD PERSON'S POV


TAGAKTAK na ang pawis at sinabayan pa ng pagbuhos ng ulan, nagpatuloy pa rin sa kaniyang ginagawa ang determinado at hindi pinanghihinaan ang loob na si Yanlee.

Paulit-ulit ito sa kaniyang ginagawa sa pag-asang muling magkakamalay si Glacial. Magpahanggang-ngayo'y nakahandusay pa rin ito sa sahig—hindi magkaulirat kahit pa halos ginawa na ni Yanlee ang lahat ng alam niyang dapat.

"Gumising ka na. Bumalik ka na," bulong ng unti-unti nang nanlulumo na si Yanlee. Halos pumatak na ang luha sa kaniyang mga mata ngunit pinipilit niyang maging matatag at 'wag magpakita ng kahinaan.

Muli, inilagay niya ang dalawang palad sa dibdib ng dalaga at paulit-ulit itong itinulak. Sa bawat pagdiin ng mga kamay ay bumibigat ang pahinga ni Yanlee. Takot ay nagsisimula nang rumehistro sa kaniyang mukha. Sa kabila nito, pilit na binali ng binata ang mga pangangamba.

Nang hindi pa rin magtagumpay ay muling sinubukan ni Yanlee ang isa pang paraan. Sa pagkakataong ito'y napatingala si Yanlee at hinayaan ang sariling salubungin ang pagbuhos ng ulan. Makaraan ang ilang sandali, ibinuka niyang muli ang bibig ng dalaga at gamit ang kaniyang bibig ay sinubukan niyang bigyan ito ng hangin.

Habang ginagawa ito'y paulit-ulit na nagdasal si Yanlee sa kaniyang isipan. Nawawalan man ng pag-asa ay hindi ito tumigil sa kaniyang ginagawa hanggang sa hindi nagtagal ay marinig niyang mapaubo ang dalaga bagay na biglang nakapagpawala ng takot sa isipan ni Yanlee.

Para itong nabunutan ng tinik sa dibdib nang masilayan niya ang dahan-dahang pagmulat ng mata ng dalaga. Akala niya'y hindi na siya magtatagumpay pa.

Sa pagkakataong iyo'y tuluyan nang napahagulgol si Yanlee dahil sa tuwa.

Ilang sandali pa'y nakita niyang nakatingin na sa kaniya ang dalaga. Walang emosyon ang mababakas sa mukha nito ngunit sa kabila nito ay napanatag na ang loob ni Yanlee ngayong ligtas na ang kalagayan ni Glacial.

"Salamat at hindi mo ako iniwan," mangiyak-ngiyak na sambit ni Yanlee kaya naman banayad na ngumiti lamang si Glacial bilang tugon sa sinabi nito.


×××


UPANG makabalik sa normal na kalagayan ay inatasan ng medical team si Glacial na makapagpahinga ng ilang araw. Agad namang nalaman ng lahat ng kaniyang mga kasamahan ang buong pangyayari. Sa kabilang banda, ni-hindi magawa ni Yanlee na makapagbigay ng pahayag sa kung ano ang pinagdaanan nilang dalawa ng dalaga.

"Ibabalik pa kaya nila si Glacial dito?" Bakas ang lungkot sa boses ni Jimloyd nang binasag nito ang katahimikan sa pagitan nilang tatlo nina Cabin at Lesley.

Escaping Paralysis (Completed)Where stories live. Discover now