| chapter 3 : captured memories |

54 4 5
                                    

| chapter 3 : captured memories |

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


| chapter 3 : captured memories |



WHILE everyone is busy discussing and having arguments with each other, pinili ko na lamang na pumwesto sa isang balcony kung saan tanaw na tanaw ang malinis at maaliwalas na dalampasigan. Good thing this place could trigger inner peace dahil kung hindi, marahil ay nalunod na ako sa walang humpay na pagtatalo sa hall dahil sa ipinaliwanag ni Comby kanina. Hindi kasi matanggap ng karamihan na nagkamali kami ng inasahan.

"I can't believe this! Sumpain ang organisasyong ito sa pang-uuto sa ating lahat. We can actually file a case against them dahil sa panloloko nila. Anong akala naman nila sa atin, may problema sa pag-iisip? Ang kakapal ng mukha." Akala ko ay mananatiling mapayapa ang lugar na kinaroroonan ko not until Gidget and the others came and invade the peacefulness of this spot.

"Tama naman kasi siya. We voluntarily signed the petition. Tayo rin naman ang naglagay sa mga sarili natin kung saan tayo naroroon ngayon. Ang mali lang natin, hindi natin binasa ang mga forms na finill-out natin," narinig kong komento naman ni Mace.

Maging ang mga kasama ko ay nagtatalo-talo na rin.

It was about an online form. Bago kasi ako makatanggap ng email from them, mayroon akong nakitang site kung saan nag-ooffer sila ng free consultation, at pwede ka ring maglabas ng personal problems mo lalo na kung wala kang ibang masabihan nito. Kumbaga naging secret corner sila na pwede mong mapagsabihan ng problema by just writing it out.

Hindi ko naman inakala na may kinalaman pala rito ang form na 'yon.

"Mga dakilang scammer sila. Papaano kung mapahamak tayong lahat dito? Papaano kung mga sindikato pala sila at may kung ano silang binabalak sa ating lahat? Papaano kung isa-isa nila tayong patayin sa loob ng tatlumpung araw? Gosh, nag-iisip ba kayo?" muli kong narinig ang paghihimutok ni Gidget.

Mula kanina ay siya na ang nangunguna sa pagrereklamo.

"You're being too paranoid, Gidget. Bakit hindi na lang natin obserbahan ang mga mangyayari for the first week, 'di ba? After all, this seems fun. 'Di ba, guys?" pagbibida naman ng magaling kong Ex na si Yanlee.

Sa loob ng ilang buwan, ngayon ko lamang nagawang mag-agree sa kaniya. I admit, naging bitter ako pagdating sa kaniya dahil sa mga nangyari. But what he has said definitely has a point. Kung tutuusin, parang dapat pa nga kaming magpasalamat sa kanila dahil binigyan nila kami ng ganitong oportunidad para ayusin ang mga sarili namin.

"Hindi ko kayo maintindihan. I thought you're all with me. Bakit parang lumalabas na gusto niyo na rin ang ginawa nilang panloloko sa atin? Bahala na nga kayo diyan!" sagot pa ni Gidget at saka padabog na naglakad paalis.

Ilang sandali matapos ang paglayas ni Gidget ay umalingawngaw ang malalakas na tawanan ng lahat. I can't help but giggle too. After all, nakagagaan pala ng pakiramdam na may kasama kang tumawa.

Escaping Paralysis (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon