| chapter 4 : a glimpse from the past |

40 3 2
                                    

| chapter 4 : a glimpse from the past |

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

| chapter 4 : a glimpse from the past |



BIGLA na lamang bumilis ang kabog ng dibdib ko at para bang awtomatikong kumaripas ng takbo ang mga paa ko gaya ng iba pa naming kasamahan dito sa resort. Sa isang iglap, ang kaninang nagtatawanang grupo ay ngayo'y napalitan na ng pag-aalala ang ekspresyon sa mga mukha. 

Yanlee is my ex-boyfriend who made me feel miserable for the past few months pero hindi ko pa rin maikakaila na minsan niya akong pinahalagahan at minahal kaya gano'n na lamang din ang pag-aalala ko nang marinig ang pagsigaw ng isa sa mga committee.

"Nalibot na namin ang buong lugar pero hindi talaga namin siya makita. Wala ba talagang nakapansin sa kaniya rito?" rinig kong usisa ni Sir Reynald, isa sa mga committee ng KAPWA-taan. 

Nakauniporme pa siya gaya ng iba at bakas ang takot at pag-alala sa kaniyang mukha.

"Kanina nagpaalam siya sa akin na pupunta raw siya sa restroom. Then hindi ko na siya nasundan ng tingin kasi nag-umpisa na nga ang sharing," sagot ng balisa na ring si Vladmir. 

Parang naging mag-partner na rin kasi sila since magkasama sila sa room.

Hindi ko alam kung magi-guilty ba ako dahil pinipilit ko ang sarili ko na 'wag ibaling ang atensyon kay Yanlee. I am really determined to get over with him at sa tingin ko, ang pag-iwas sa kaniya ang pinakamabisang paraan para makalimot. 

Who would have thought na mas kailangan pala niyang mabantayan ngayon? At isa pa, bakit naman niya gugustuhing malunod?

"Iyan na nga ba ang sinasabi ko sa inyo. Bantayan niyo lagi ang isa't isa dahil kayo-kayo lamang din ang magtutulungan dito. Oh ngayon, papaano na kung may mangyaring masama kay Yanlee?" bulalas ng tila ba naiinis nang si Comby. 

Dahil sa itinrato niyang iyon ay bigla akong na-trigger na sumingit na sa usapan.

Just in case he forgot the case of each and every one of us, narito ako para ipaalala sa kanila ang nakalilimutan nila. Day one pa lamang kami rito sa resort pero heto, parang nawawalan na ng essence itong pakana nila. Nakakabahala na baka sa paglipas ng mga araw, imbis na mag-improve kaming lahat, baka mas lumala pa.

"Alam niyo, hindi makatutulong ang pagtayo lang natin dito at pagsisihan. Why don't we take an action at maghiwa-hiwalay para hanapin si Yanlee? Don't you think he could be suicidal and drowning was the only way he could see now para makatakas sa mga problema niya?" litanya ko dahilan upang itikom ni Comby ang bibig niya at hindi na magawang makapagsalita pa.

Nabalot ng katahimikan ang buong paligid hanggang sa marinig na lang namin ang pagdating ng ilang rescuers. Inihahanda nila ang speed boat para sa pinaplanong pagsuyod sa karagatan. Mas nakababahala ang dilim ng paligid dahil baka kung anong disgrasya pa ang mangyari subalit mas mahalaga ngayon ang mailigtas si Yanlee.

"Ready na po ang speedboat. Maaring sumama sa amin ang tatlo sa inyo para maghanap," sambit ng isang rescuer.

Hindi ko alam kung tama ba itong magiging desisyon ko ngunit walang pag-aalinlangan akong nagtaas ng kamay bilang pag-volunteer. Among all of us here, ako ang mas nakakikilala kay Yanlee. Kung may isang tao man siya na masasandalan sa aming lahat, siguro, ako 'yon.

Escaping Paralysis (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon