| chapter 1 : the wake-up call |

114 8 3
                                    

| chapter 1 : the wake-up call |

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

| chapter 1 : the wake-up call |

AS I was browsing TikTok videos randomly on my phone, a certain video grabbed my attention and I found myself watching the same video over and over again. I didn't realize how I spent a couple of minutes by just watching it.

Halos pinagtitinginan na rin ako ng mga tao sa paligid ko ngunit hindi ko pa rin magawang huminto sa panonood at mag-scroll pataas para sa panibagong video.

"One Tall Frappucino Java Chip, Ma'am." Bahagya akong napalingon sa tagiliran ko at napansin ang isang lalaking nakangiti habang bitbit ang isang tray na naglalaman ng order ko.

This coffee shop has always been my top escape from my nerve-racking responsibilities. Kilala na nga rin ako ng mga staff dito dahil sa ilang beses kong pagpapabalik-balik at halos araw-araw na pagbisita. Saksi rin sila sa mga pagkakataong pakiramdam ko ay stress na stress ako at wala akong ibang masandalan kung hindi ang mga paborito kong beverages—no other than coffees. Pambansang inumin na yata ito ng Gen Z. Kahit kasi sa social media, ang daming may gusto ng kape.

"Thank you," tipid kong sagot sa lalaking dinaig pa si Barry Manilow na singer ng kantang Can't smile without you sa lapad ng ngiti.

Bago tikman ang flavor na kabisado ko na rin naman ang lasa, muli kong pinasadahan ng tingin ang phone ko na magpahanggang ngayo'y nasa TikTok pa rin. Nai-tap ko pala ang screen kanina kaya't sandaling huminto ang video na pinapanood ko. Pasalamat na lang ang creator dahil maraming nadagdag sa views ng content niya dahil sa akin.

"'Di ko alam kung paano ko ito ibabahagi. Ilang araw o buwan na akong ganito. Palagi na lang akong tanghali gumigising, walang ganang bumangon, 'yung kwarto ko sobrang kalat. Lagi na lang akong nakahiga, para bang nagpapraktis nang mamatay. Sinubukan kong lumabas kanina para humanap ng mapaglilibangan pero wala . . . bigla na lang akong nalulungkot at naiiyak—"

"Miss, may problema ka ba?" Ikinagulat ko nang biglang may nagsalita sa harapan ko.

Hindi ko siya kilala pero kung makaasta siya ay animo'y matagal na kaming close sa isa't isa. Teka nga, hindi ba siya marunong rumespeto ng someone's privacy?

Agad kong pinatay ang telepono ko at tinaasan ng kilay ang lalaking feeling close, hindi naman gwapo. Baka kasi feeling niya, celebrity level ang hitsura niya kaya ganoon na lamang kalakas ang kumpyansa niya sa sarili na makipag-usap sa strangers.

If that's the case, may karapatan naman siguro ako na sungitan siya. After all, siya ang nag-insist na makipag-usap kahit na hindi naman kami magkakilala.

"You know what, I've got several problems endured during the past few months. Some have been solved, some were still my problem. Pero kung may natutunan man ako sa loob ng mga panahong iyon, ay sarilihin na lamang ang problema at 'wag nang ibahagi sa iba, because most of the times, hindi naman talaga sila nakatutulong, instead, mas nakabibigat pa. And you are one of those burdens so better stay away from me," tahasang pahayag ko at pagkatapos ay inirapan ang lalaking ngayon ay nakataas na rin ang isang kilay at animo'y na-weirdohan sa ikinilos ko.

Escaping Paralysis (Completed)Where stories live. Discover now