| chapter 25 : when it comes to passion |

13 1 0
                                    

| chapter 25 : when it comes to passion |

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

| chapter 25 : when it comes to passion |

LESLEY


AYON sa initial instruction sa amin ni Jimloyd kagabi, 6 am ang call time namin para sa unang araw ng taping. Since maaga naman akong nakatulog kagabi dahil wala rin naman akong ibang magawa kung hindi tumitig sa kisame, pinilit ko na lamang makatulog agad. Buti na nga lamang at nakisama ang mga mata ko.

Wala pa akong ganang basahin ang buong script kaya naman tanging ang mga lines ko lamang ang tiningnan ko upang maging familar sa mga ito. Napag-alaman kong mayroon pala akong spoken word poetry segment sa film. Hindi ko naman ito tatanggihan lalo pa't isa ang pagtula sa mga bagay na gusto kong ginagawa.

Sa area na kinalalagyan ng mga rock formation napagdesisyunan ni Jimloyd na magtipon-tipon. Nang makarating naman ako sa pinag-usapang lugar ay hindi ko inakalang naroroon na nga agad ang dalawang kumag na sina Jimloyd at Cabin.

Nakasuot pa ng headphones si Jimloyd habang si Cabin naman ang may kapit ng camera. Nadatnan ko itong kumukuha ng litrato ng iba't ibang bagay habang si Jimloyd naman ay nagsimula nang ayusin ang tripod na gagamitin namin.

"Napaka-punctual niyo nga naman talaga," salubong ko sa dalawa kaya naman agad kong nakuha ang atensyon ng mga ito.

Imbis na sagutin ako ay napatingin si Jimloyd sa kaniyang relo. Napakunot naman ang noo ko sa ginawa niya.

"You're three minutes late, Lesley," seryosong pagbati ni Jimloyd, ni-hindi ko mabakasan ng pagbibiro ang kaniyang boses.

Ngayon ko lamang nakitang ganito ka-passionate si Jimloyd. We all know how much he enjoys photography, but seeing him in this light completely changes my opinion of him. He is a goal-oriented person, and whatever task he is assigned, he will complete it and do his best.

Sa tingin ko naman ay hindi ito ang tamang oras para makipagbiruan kaya sinikap kong mag-ingat sa mga salitang bibitiwan ko. Mahirap na at baka mapagalitan pa ako ng leader namin. Mukhang seryosong-seryo pa naman siya na matapos ito.

Nabaling naman ang tingin ko kay Cabin at agad na nagtama ang paningin namin. Tinaasan lamang niya akong dalawang kilay habang nakatikom ang bibig na para bang sinasabi sa akin na 'wag ko na lamang sabayan pa si Jimloyd dahil baka mauwi ito sa init ng ulo.

Dahil dito ay namayani ang awkwardness sa pagitan naming tatlo. Hindi ko rin alam kung anong sasabihin ko kaya naman ipinagdasal ko na lamang na dumating na rin kaagad sina Yanlee at Vladmir para naman kahit papaano ay may kakampi na ako rito.

Nanatili pa rin akong tahimik at habang hindi pa rin dumadating ang dalawa pa naming kasamahan ay nilapitan ko na lang si Cabin at kunwaring nagpaturo sa kaniyang gumamit ng camera. Mukhang nahalata naman niya ang awkwarness na nararamdaman ko kaya't sinakyan na lamang niya ang trip ko.

Now, I'm starting to like Cabin. He's a lifesaver. Deserve niyang ma-crushback.

We had a few more moments until we heard approaching footsteps. Pare-parehong nabaling ang atensyon naming tatlo rito at namataan ang sa wakas ay paparating nang sina Yanlee at Vladmir. Kapwa halatang bagong gising ang mga ito habang si Vladmir ay tila ba hindi pa man lamang nakakapaghilamos.

Escaping Paralysis (Completed)Where stories live. Discover now