| chapter 12 : you don't have to fight alone |

23 1 0
                                    

chapter theme: itchyworms - beer

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

chapter theme: itchyworms - beer

| chapter 12 : you don't have to fight alone |

THIRD PERSON'S POV


HINDI maialis ni Gidget ang tingin sa isang gumamelang nakatanim sa maliit na harding kaniyang kasalukuyang tinatambayan. Ramdam niya ang sariwang hanging hatid ng malawak na karagatan, ang unti-unting pagpatak ng nagbabadyang ulan, at ang kalungkutang paulit-ulit na bumabagabag sa kaniyang kalooban. 

Sa kabila ng makulimlim nang kalangitang tila ba nakikisabay sa kaniyang pinagdaraanan, hindi alintana iyon ni Gidget bagkus mas tinapunan pa niya ng atensyon ang bulaklak.

"Sana naiintindihan nila akong lahat. Sana . . . sila na lang ang nasa kinalalagyan ko para malaman nila kung gaano ka-putangina ang buhay na 'to." Kalmado man ang pananalita ay bakas sa boses ni Gidget ang galit at pagdadalamhati nang sabihin ang mga salitang iyon.

Gustohin man ni Gidget na sisihin ang lahat dahil sa kaniyang mapait na nakaraan ay hindi niya magawa dahil patuloy siyang nilalabanan ng sariling konsensya. Alam niyang kahit ibuhos niya sa ibang tao ang galit at paninisi ay hindi nito mababago ang katotohanang malaki ang kaniyang kasalanan.

Galit siya sa kaniyang sarili. Galit siya sa ibang tao. Galit siya sa buong mundo.

"Ikaw lang ang bukod tanging makakaintindi sa akin, Kuya. Sana nandito ka. Sana, kapiling pa kita." Tuluyang nabasag ang boses ni Gidget nang hindi na niya mapigilan ang sariling magpakawala ng mga butil ng luha.

Nakatitig pa rin sa bulaklak ang dalaga hanggang sa bumaha sa kaniyang isipan ang isang alaala.

"Bipolar ako kaya walang nagmamahal sa akin. I was just nothing but a freak. Sarili ko lang ang kakampi ko sa lahat, kaya kayo . . . mga inutil kayo! Wala kayong ambag sa buhay ko. Hindi ko kayo kailangan. Hindi ko kailangan ang awa niyo." Umalingawngaw sa malawak na covered court ng paaralan ang malakas na bulalas ni Gidget.

"Hindi ba siya 'yong baliw na Grade 9?"

"Siraulo 'ata talaga 'yang babaeng 'yan."

"I heard palagi niyang kinakausap ang sarili niya. Ngayon naman, ang lakas ng loob niyang umakyat sa stage at magsisigaw kahit na wala namang nakikinig sa kaniya."

Walang kamalay-malay si Gidget na pinag-uusapan na siya ng kaniyang mga kapwa mag-aaral. Nakagawian na ng dalaga na sumampa sa malawak na stage ng kanilang paaralan, at kahit pa walang nakikinig ay walang pakundangan siyang magbibitiw ng litanya rito. 

Nasanay na rin ang mga guro sa kaniyang gawain kaya naman hinahayaan na lamang nila ito at kung minsan ay nagbibingi-bingihan na lamang at hindi na pinapansin pa ang pag-eeskandalo ni Gidget.

"Alam ko naman na nilalait niyo ako, eh. I can feel that. You always treat me like a fucked-up outcast, and I don't care. Nananatili lang naman ako sa paaralang ito dahil kailangan ko. Sa totoo nga niyan, sukang-suka na ako sa pagmumukha ninyong lahat pero wala lang akong magawa." Muli, nagmistulang isang aktres sa teatro si Gidget habang bumubulalas.

Escaping Paralysis (Completed)Where stories live. Discover now