| chapter 23 : the breadwinner |

Start from the beginning
                                    

"Wow. May shooting ba? Ipapakita ba kami sa TV?" Cabin asked out of a sudden. Napansin ko ang pagkamangha niya sa mga nasaksihan.

Jimloyd seems excited as well. Sa aming lahat na naririto, sa tingin ko siya ang pinakamatutuwa sa magiging proyekto namin.

"You will be creating two shortfilms with any topic of your choice. Ang hinihingi lang ng organisasyon ay sumunod kayo sa theme ng shortfilm which is Project Betterment. Of course, you have to be creative upon making your output. Mamaya ay ipapapanood namin sa inyo ang mga nagdaang shortfilms na ginawa ng mga nakaraang batch ng Project Betterment," paglalahad ni Comby ng instructions.

Bawat isa sa amin ay para bang biglang naging interesado. I admit I'm a bit excited too. I'm always a fan of films as I appreciate other movies' cinematography, color grading, and of course, the story.

"You may start working on your films right after I announce the groupings. For now, ipapahawak ko na sa mga napili kong leaders sa project na ito ang tig-isang camera na gagamitin ninyo para sa filmmaking."

Sinenyasan ni Comby ang dalawa sa mga committee na ihanda ang mga kagamitan. Nanatili namang tahimik ang lahat na para bang talagang inaabangan kung sino ang iaanunsyo ni Comby na magiging leader ng proyektong ito.

"Jimloyd and Mace, you will be the task leaders. Mamaya ay malalaman niyo na rin kung sino ang mga members niyo but for now, kayo na ang magtabi ng mga gagamitin niyo para sa film," utos ni Comby kaya naman walang pag-aalinlangang tinanggap ni Jimloyd ang camera habang si Mace naman ay tila ba gulat na gulat pa na siya ang isa sa napiling leaders.

"Papaano ang magiging distribution ng members considering na hindi na kami equally balanced ngayon?" Mula sa kanina pang pananahimik ay biglang sumabat si Gidget.

Wala naman siyang ginagawa sa akin pero sadyang kumukulo ang dugo ko everytime na naririnig ko siyang magbida-bida. Hindi na lamang talaga ako nakikisali pa sa usapan dahil ayokong lumaki pa ang gulo.

Hindi na kami mga bata pa para hindi malaman kung anong tama at mali. However, I really find it hard to understand Gidget's personality.

"It's okay. Hindi naman magiging malaking problema ang numbers. You can still work on your craft kahit tatatlo lamang kayo. Wala tayong magagawa. Hindi natin kontrolado ang mga pangyayari kaya kinailangan nating humantong sa ganito," sagot ni Comby habang nakita ko namang nag-poker face lamang si Gidget bilang tugon.

"Anyway, bago pala ang lahat ay mag-proceed na muna tayo sa daily activity niyo. I was instructed to formulate a recreational activity. Naalala kong hindi pa pala kayo nagko-conduct ng physical activity kaya ngayon ay maglalaro tayo ng Blanket Volleyball," muling anunsyo ni Comby at matapos ay napaligiran naman kami ng ibang mga committee na nakatoka sa pag-aayos ng mga gagamitin sa daily activity.


×××


WALANG humpay na tawanan at sigawan ang namayani sa buong lugar nang magsimula ang palaro ni Comby.

Gidget, on the other hand, decided not to participate as she excused herself for not feeling well. Nang marinig kong nagpapaliwanag siya kay Comby ay hindi ko na naman mapigilang mabadtrip sa kaniya. Hindi na lamang din ako sumabat dahil kahit papaano'y pabor para sa akin na hindi siya makalaro.

Since Gidget decided not to join, naging balanse ang hatian namin ng grupo. Both teams consist of five members; my teammates were Cabin, Vladmir, Prezy, and Yanlee, whereas the other team members were Jimloyd, Claude, Ned, Mace, and Quinee.

Kasalukuyang nasa kabilang panig ang volleyball kaya naman naging alerto kami at hinintay ang paglipat nito sa amin. Tagumpay nila itong nasalo gamit ang kanilang blanket at matapos ay kaagad ding naibato papunta sa panig namin.

Escaping Paralysis (Completed)Where stories live. Discover now