| chapter 14 : leap of faith |

Start from the beginning
                                    

"Casa Delafuenta will always be a safe place to people like us. Naniniwala ako na pinagtagpo tayo ng tadhana sa lugar na ito because nobody will judge you here. We're all hesitant to express our true feelings for fear of being judged. Pero kung walang sinoman ang manghuhusga sa atin, kahit anong insecurity pa ang ibunyag natin, nasisiguro kong masarap sa pakiramdam na ibahagi sa iba ang mga kwentong matagal na nating ikinikimkim sa mga sarili natin." Hindi ko alam kung saan nanggaling ang mga salitang para bang kusang kumawala na lamang sa bibig ko.

Natagpuan kong nakatingin na pala sila sa akin. Namayagpag ang katahimikan hanggang sa manguna si Claude na pumalakpak at kaagad naman itong sinundan ng lahat.

Nasapo ko na lamang ang ulo ko. Dapat na ba akong maging proud sa sarili?


×××


"WHAT convinced you to be a part of the Project Betterment?"

Natulala ako nang mabasa ang nakasulat sa current slide ng presentation na naka-flash sa projector. Comby, as usual, hosts the event while everyone sits and listens to the committee and their discussions as if we were in a seminar that also required taking notes and participating in the activity.

I'm not sure how I was persuaded to participate in Project Betterment. I mean, all I wanted was to get paid for doing my job, that was just my initial plan.

I had no idea that Project Betterment would become more meaningful to me than I had anticipated.

"Alam kong hindi madaling sagutin ang tanong na ito, especially given what each of you has been through, but since we are now taking the half of your one-month stay in this program, gusto kong maging malinaw sa inyong lahat kung bakit niyo piniling pumasok sa programang ito?" tanong pa muli ni Comby na nakatayo sa harapan ng hall.

It's almost 8 in the evening at unti-unti na rin akong tinatamaan ng antok. Napansin kong hindi ako nag-iisa dahil ang ilan sa aming naririto ay halatang nilalabanan na rin ang sarili na pumikit. Actually, masyadong maaga pa para matulog kaya lang, sadyang nakakatamad makinig ngayon lalo pa't halos paulit-ulit na rin naman ang nagiging topic ng mga ganitong session namin.

"Anyone who can share their thoughts? Sigurado akong matapos niyong manatili rito sa loob ng dalawang linggo ay may nagbago rin sa pananaw niyo sa Project Betterment," aniya pa, sinusubukang kunin ang atensyon ng lahat.

Nanatili pa rin kaming tahimik at ni-isa ay walang naglakas ng loob na magsalita kaya naman napabuntong-hininga si Comby at may pinindot sa laptop na nasa harapan niya. Hindi nagtagal ay nalipat ang slide at tumambad sa amin ang isang litrato ng isang pamilyar na mukha.

Nangangayayat ang lalaki sa litrato. Halos hindi na ito lubusang makilala at para bang punong-puno ng problema ang kaniyang buhay. Ibang-iba man ang itsura, nasisiguro kong kilalang-kilala naming lahat ang taong iyon—si Comby.

"This photo was taken few years ago. Ang laki ng pagbabago, 'no?" taas-noong sambit ni Comby habang may malapad na ngiti sa mukha. Kitang-kita kung papaano niya ipinagmamalaki ang sarili lalo pa't parang ibang Comby na itong nasa harapan namin.

For me, this is the actual definition of glow-up. He literally did glow up. The man in the photo seems like a person full of despair. Now, he is already an advocate; a role model, and a symbol of inspiration.

"Few years back, katulad niyo rin ako. I once doubted my purpose. Fortunately, hindi naman ako umabot sa puntong tinangka kong tapusin ang lahat ng paghihirap ko by tying a rope around my neck. Kahit pa halos isang ubo na lang ako diyan, kinaya ko pa rin hanggang sa maging ganito na ako—nag-uumapaw sa kagwapuhan at habulin na ng mga chicks!" Comby said confidently. Bahagyang nagtawanan naman sa activity center dahil sa huling sinabi niya.

Escaping Paralysis (Completed)Where stories live. Discover now