Ito ang Valentine's Date Booth, kung saan dinala ko ang ultimate crush ko para ayaing makipag-date sa akin. Laking pasasalamat ko dahil pumayag siya sa naging alok ko. Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko ngayon. Parang gusto kong mapagulong-gulong sa sahig.

Kanina pa kasi ako kinikilig kasi pana'y siya titig sa akin. Hindi ako mapakali, gagi!

"Ahm... anong gusto mo?" tanong ko rito.

Grabe yung nginig ko ngayon, feeling ko maiihi ako sa salawal. Bakit niya kasi ginandahan masyado? Tuloy, mas lalo akong nahuhulog.

Nakatitig pa din siya, nakakakaba! T*ngina!

"Ikaw— I mean, yung one slice ng strawberry flavored cake na lang tapos iced tea. Ikaw ba?" Napatulala ako nang marinig ko ang unang sagot nito. Pakiramdam ko aatakihin ako sa puso.

Pero hindi na niya mababawi yung sinabi niya kanina. Mas kinababan yata ako doon ah!

Kitang kita ko kung paano mapatakip ng bibig si Nathalie at bahagyang natatawa. Hindi ko tuloy matanggal sa isipan ko na baka pinagtritripan niya lang ako. Hay...

"HAHAHAHAHAHA! HAHAHAHAHA! Ikaw kasi, yung mukha mo, nag-froze ba naman. Ang pangit! HAHAHAHAHA!..." patuloy ito sa pagtawa habang ako, ito lang. Umaasa—joke, haha!

"Umayos ka, Nathalie. Ayokong magwala dito," feeling ko ngayon ang init talaga ng pisngi ko. Namumula yung buong pagmumukha ko, guys! Nakakahiyang kiligin dito, baka maihi talaga ako.

Nang makakalma na siya, umayos ito ng upo at ipinatong ang mga braso sa munting lamesa na nasa harapan naming dalawa.

"Kinikilig ka 'no?" tanong nito kaya feeling ko mas lalong umiinit yung mukha ko.

"Tigil-tigilan mo ako habang nakakapagtimpi pa ako, Nathalie." Pero seryoso, kanina pa ako namumula dito. Hindi ko alam kung paano ko ilalabas 'to. Siguro kakagatin ko na lang yung waiter ng booth na 'to sa braso. Hahaha!

"Tigilan? Kapag tinigilan kita, baka mamiss mo ako," anito sabang ngiti ng nakakaloko.

Siraulo ka talaga, Nathalie! Nakakatanggal ng angas, t*nginaaaaaaa!

"Iiiiiiiih..." Hindi ko na mapigilan! Magtatakip na lang ako ng mukha! Nakakahiya na yung pagiging kamatis ko dito. Siraulo kasi itong kasama ko!

"Hahaha! Ang cute mo." Okay, compliment galing kay crush. Kalmahan mo, Julian. Masyado ka ng marupok.

"Isa na lang talaga, Inkygirl. Baka mahalikan kita dito ng wala sa oras," pagbabanta ko sa kanya pero...

PANA'Y PA DIN SIYA TITIG SA'KIN!

T*ngina namaaaaaan! Yung puso ko hulog na hulog na! Hindi na ako astig nito.

"Ano bang gusto mo? Hindi ako maka-order, Nathalie naman. Stop making me blush! Please!"

"Hahaha! Sorry na, ito na. Titigil na po." Nanlalambot ako sa tawa niya, grabe!

"Ano? Maglalandian na lang kayo? Nangawit na ako oh!" Ayan tuloy, nagreklamo na yung waiter ng booth na 'to. Ito kasing kasama ko, kainis. Nawawala tuloy yung angas ko bilang lalake. Haha!

"Isang glass ng cola at isang plate ng pancit palabok, thank you and sorry." Pagkasabi ko no'n ay padabog na umalis ang waiter.

"Ayan, nagalit tuloy. Ikaw kasi," pakunwaring pagbibibtang ko sa kanya.

"Anong ako? Ako ba yung next na oorder? Hindi ba't ikaw?" kontra niya.

"Eh, ikaw kasi. Pinapakilig mo ako masyado kaya hindi ako makapag-focus. Buti na lang cute ka,"

"Dati na akong cute,"

"Hindi, mas cute ako sayo. Maganda ka kaya. Hindi ka lag cute,"

Kitang kita ko ang malapad na ngiting gumuhit sa kanyang mapupulang labi, kasabay no'n ang pag-iwas niya ng tingin mula sa mga titig ko.

"Tigil-tigilan mo ako, bumabawi ka lang eh." So, kapag siya okay lang? Kapag ako, bawal? Aba! Unfair naman yata 'yon.

"Ang daya nito, kapag siya okay lang asarin ako. Kapag siya na, bawal na,"

"At sinong may sabing bawal? Sabi ko itigil mo lang. Wala akong sinabing bawal ano," anito sabay irap.

Ayan tuloy, natarayan pa ako. Sabi ko nga dapat di na lang ako nagsalita. Ewan ko ba! Tiklop ako pagdating sa kanya.

"Okay then, I will always tease you." Sabi mo 'yan ah. Walang bawian, haha!

"Baliw, huwag naman always. Topakin pa naman ako,"

"Okay lang, marunong naman akong manuyo. Kahit araw-araw kitang suyuin, okay lang. Hindi ako magsasawa, basta ikaw." Oh! Banat pa! Ang cringe ng dating, gago ka self! Pero okay lang, haha! Makita ko lang na kiligin si crush, kahit na cringe ng dating sa'kin, okay lang. Hahaha!

"Naku, naku! Bumabanat ka na naman ah, sinusulit mo talaga na kasama ako," anito habang nakangiti ng napakalapad.

Kitang kita ko din ang unti-unting pamumula ng kanyang mukha na naging dahilan para makaramdam ako ng kakaiba sa tiyan ko. Hindi ko maipaliwanag, basta! Ang saya, saya ko ngayon. Sobrang saya kong nakasama ko siya ngayon.

Sana hindi na matapos ang araw na 'to. Gusto kong habangbuhay na kaming magkasama at hindi na magkakahiwalay pa. Pero kahit hindi pa man ako sigurado kung magugustuhan niya din ako, basta ako ay siguradong sigurado na, na siya ang gusto kong makasama sa pagtanda.

Hindi ko siya bibitawan, hindi ko susukuan, at hindi ko pababayaan. Siguro nga'y hindi ko na lang siya gusto. Baka nga...

Baka nga mahal ko na talaga siya.

She's the Writer and I'm her Reader [ON-GOING] - SOON PUBLISH UNDER KM AND H PHजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें