Kabanata 18: The Protector's Protectors

19 0 0
                                    

CONNOR

"Hindi ko po sasabihin. Gusto ko po sanang maghintay tayo hanggang sa maging komportable siya, na maging handa siya. Nakikiusap ako."

Malinaw sa alaala ko na 'yon ang sinabi ko. Naalala ko rin ang magkasalubong na kilay ni Mr. Delgado nang marinig 'yon. Mahina siyang natawa na parang nagpipigil ng inis.

Pero bakit narito siya kanina?

Nasundan ba ako kagabi? Lintek naman.

"Ma? Ano 'yon?" Bumalik ako sa store na hingal na hingal. Napahawak ako sa lamesa sa may counter para sa suporta.

"Bigla nalang nagpakilala sa akin ang tatay ni Elias, naayos ko na rin ang gamit niya bago sila umalis," seryosong sagot ni Mama.

Napayuko nalang ako at napaupo sa sahig. Ang mas inaalala ko ang nararamdaman niya. Sana pala hindi ko nalang siya pinilit magsalita. Sana hindi ko nalang tinawagan.

Pilit ko pa ring hinahabol ang paghinga nang may inabot na papel sa akin si Mama.

"Nakita ko sa gamit niya."

Tinitigan ko ang papel, may drawing ng lalaki.

Kinuha ko lang nang mapagtantong ako ang nasa larawanan. Gayang-gaya nito ang hairstyle ko, at nakangiti. Sketch lang siya ng lapis, pero hindi ko maipagkakaila na may talento rin si Elias sa pagguhit. May sulat rin ito sa baba.

Smiling Connor is so much better than Frowning Connor.

Ito 'yung drawing niya na ayaw niyang ipakita sa akin...

Sumagi sa isip ko na sundan sana siya. Pero hindi ko alam kung saan sila nakatira. Sinubukan ko ring i-search si Mr. Delgado, isa siya sa pinakamayamang business man ngayon sa bansa.

Lintek! Ang yaman ni Elias?!

Nakatingin ako sa may bintana sa room, nagtuturo ang teacher namin sa harap pero wala akong naiintindihan kahit isa. Nakamasid ako sa isang dahon malapit nang malaglag. Ilang saglit lang bago tuluyang nalaglag ang dahon, nanlaki ang mata ko sa biglang naisip na ideya.

Si Elon.

Balak kong pumunta sa elementary school kung saan nag-aaral si Elon. Kaya lang, malapit nang maggabi at sigurado akong kanina pa nakauwi ang mga estudyante.

"Wilford, number one sa board."

Lumipat ang tingin ko sa masamang titig ng teacher ko sa akin, istrikto pa namang teacher 'to.

Gusto ko sanang tumanggi pero nakatingin na ang lahat ng kaklase ko sa akin. "Okay po," sabi ko bago tumayo.

***

Tahimik akong naglalakad sa hindi madalim, pero hindi rin maliwanag na daanan papunta sa store namin. Siguro na-badtrip din ako dahil wala na pala si Elias sa store kaya sinandya kong late umuwi.

Buti nalang nanlibre ang kambal kaya busog akong uuwi at nasa good mood.

Mabilis ko namang kinain ang sinabi ko sa pagsulpot ng mga unidentified standing people sa harap ko. Naningkit ang mata ko sa kanila.

Punching Feelings Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum