Kabanata 01: Living Angry Emoji

70 0 0
                                    

CONNOR

"Iyakin naman 'yan."

Nagpantig ang tainga ko sa narinig. Bigla nalang nayupi ang boteng hawak ko, mabuti at walang laman. Yuping-yupi na ito pero hindi pa rin sila tumitigil.

Ang haba ng pila sa bilihan ng kanin dito sa cafeteria. Sinuswerte naman ako at saktong nasa tabi ko ang mga lintek kong kaklase.

"Iyak sa nanay, hahaha!"

Pinipigilan ko lang ang sariling gumawa ng kahit ano, gutom na kasi ako at hindi maganda ang nagagawa ko kapag gutom. Halos wala pa kasi akong kaibigan kahit patapos na ang school year ko ngayong grade seven. Napapailing nalang ako sa mga isip bata kong kaklase.

"Huwag nga kayo! Baka umiyak pa 'yang si Connor!" umalingawngaw ang tawanan nila sa paligid. Nagtitinginan na ang mga tao sa pwesto nila. Sinaway na rin sila ng isang nagtitinda rito pero ang titigas ng ulo.

"Umiiyak...parang babae," habol nila sabay tawanan. Tatlo sila, maliit naman ang height kumpara sa akin. May isang mataba, isang payat, isang mahaba ang buhok.

Hindi ko alam kung paano nila nalaman na umiyak ko. Siguro noong time na bumagsak ako noong Third Grading. Pinagalitan ako nang todo ni Mama sa harap ng teacher. Ayoko pa naman ng ganoon.

Rinig na rinig ko pa rin ang tawanan nila. Para bang may nagkontrol sa aking gumanti. Parang may sariling buhay ang kamay at paa ko. Namalayan ko nalang na pinalo ko ang boteng hawak sa pagmumukha ng lalaking payat.

Hawak hawak na niya ngayon ang ilong at umaatras habang may luha ang mga mata. May sumapak naman sa mukha ko.

Napaatras ako sa pwersa, pero nagmamadaling gantihan kung sino 'yon. Hindi ko pinansin ang mga sakit sa mukha at katawan, hindi ako titigil hangga't hindi ko nakikitang nagmamakaawa ang mga lalaking 'to.

Mga Lintek!

Akma nang susuntok ang mataba nang harangin kami parehas. Hindi ko nakita kung sino pero sigurado akong yari ako sa nanay ko.

Pito kami sa Guidance, pero iba-iba sila ng kaso. Ang mga nasuntok ko sa cafeteria naman, nasa clinic pa rin.

Nagbuntonghininga nalang ako nang mapagtantong pangalawang pagkakataon ko na pala dito. Aaminin ko na medyo palaaway talaga ako. Hindi naman lagi, at hindi ako ang nauuna. Hindi ko rin alam kung masama lang ba talaga ang hangin nila kaya bigla nalang silang mang-ti-trip.

Pangalawang beses na 'tong napunta ako sa Guidance Office, hindi ako narecord noon dahil kinausap lang ako. Syempre, dismayado si Mama. Hindi niya ako kinausap buong araw.

Napalunok nalang ako nang iluwa ng pinto si Mama. Kalmado ang ekspresyon niya at ngumiti sa mga teachers. Ito rin kasi ang pangalawang beses niya na aapak sa office. Pero alam ko sa loob niya, hindi maganda.

Patay.

"Connor, anong balak mo sa buhay?" tanong ni Mama pagkapasok namin sa bahay.

Wala na ngayon ang kalmado niyang itsura, nakapamaywang siya habang konektado ang dalawang kilay.

"Sorry po."

Umiling siya. "Kapag inulit mo pa 'to, sapak ka sa'kin," sabi niya at naglakad paalis.

Kailangan ko na yata ng stress ball. Pero sigurado akong mababato ko lang 'yon sa mga mukha kapag nainis ako.

Punching Feelings Où les histoires vivent. Découvrez maintenant