Kabanata 09: Sick

14 0 0
                                    

CONNOR

Ibinuka ko ang palad para saluhin ang malalamig na patak. Kanina pa kasi umaambon pero hindi lumalakas. Papatak-patak lang sa braso at ulo ko. Natatakpan na rin ng mga itim na ulap ang araw.

Habang malayo ang tingin, nagkonekta na naman ang lintek kong kilay sa nakikita.

"Musta na, Connor?" banggit niya habang nakangisi. Siya 'yung nasapak ko no'ng grade seven na hindi ko naman alam ang pangalan. Kilala ko siya sa mukha dahil naging kaklase ko pero hindi ko na maalala ang pangalan niya.

Nagdala pa siya ng dalawang alalay na umaaktong bad boy na nakadroga.

Tumigil ako sa paglalakad at inis na kinamot ang ulo. "Ano na naman?" buryo kong tanong.

"Gantihan lang..."

Kahit anong gawin ko para pigilan ang tawa, hindi ko magawa. Tuluyang lumakas ang tawa ko kasabay ng paglakas ng ulan.

"G*go ka ba? Ngayon ka lang gaganti? Tatlong taon na kaya."

May tanong ang mga mata nila habang nakatingin sa akin. Agad namang naglaho ang tawa ko at nagseryoso.

"Tigilan mo 'ko. Tumigil ka na," saad ko. Pakiramdam ko magsasayang lang ako ng pagod kapag pinatulan ko ang mga 'to. Wala rin akong gana dahil sa nalaman.

Ito 'yung naramdaman ko nang makita ang tinulungan ni Mama na ginamit lang sa sugal. Sa palagay ko, hindi na masosolusyunan ng suntok at sapak para magising sa katotohanang nakakasakit sila.

Lalagpasan ko na sana sila nang itulak naman ako. Sumakit nalang bigla ang panga ko at napa-atras. Pakiramdam ko natanggal ang ulo ko sa leeg sa lakas ng suntok niya. 

Nanatiling nakatagilid ang ulo ko, pinipilit pigilan ang sariling gumanti. 'Yung dibdib ko sasabog na kakatiis.

Hinawakan ko ang panga, nagbabakasakaling maalis ang kirot.

"Ano? Gumanti ka. Naduduwag ka na ba, Connor?"

Hindi ako kumilos at kinakalma lang ang sarili. Ilang segundo lang, naging malinaw sa pandinig namin ang sirena ng pulis.

"Sh*t...Takbo!" sigaw nila, tuluyan akong iniwan.

Natawa ako. "Kayo pala duwag, e!"

Palayo sila nang palayo, palakas naman nang palakas ang ulan. Wala na, basa na ako. Basa na ang kalasada at maririnig na ang ingay ng mga patak.

Nakamasid pa rin ako sa tumatakbong mga adik. Nakakainis rin na hindi ako gumanti. Mas humina na naman 'yung pakiramdam ko.

Patuloy lang ang pagbuhos ng ulan sa akin, pero hindi ko na ulit 'yon naramdaman. Nagtaka ako dahil umuulan pa naman sa harap ko. Doon na ako tumingala, may payong na nagpoprotekta sa akin.

Si Elias na inosenteng nakatingin sa akin. Maliit rin siyang napangiti samantalang ako magkakonekta ang kilay.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Sinusundan ka," sagot niya at pinakita sa akin ang cellphone. May app siya ng sirena ng pulis.

"Ikaw 'yon?"

Punching Feelings Where stories live. Discover now