Kabanata 12: Mean

20 1 0
                                    

CONNOR

Iba-iba tayo ng nararamdaman. Ang hindi masakit sa'yo, masakit pala sa iba. Ang nakaka-offend sa'yo, hindi pala nakaka-offend sa iba. Ganito ang naramdaman ko kanina sa sinabi ni Elias.

Naiintindihan ko naman kung bakit siya tumutulong. Pero hindi naman lahat ng masaya para sa kaniya, masaya rin sa akin.

Ang mga gano'ng bagay, hindi madaling gawin. Lalo na kapag tungkol sa pamilya.

Akala ni Elias na mapaglalapit niya kami ni Mang Tomas, hindi 'yon mangyayari. Hindi ko pa rin tanggap, at ayokong tanggapin. Hindi ko alam kung bakit.

Mas lalo namang nagpa-inis sa akin 'yung lintek na lalaki kanina.

May boyfriend pala si Elias.

Ayon na e. Na-guilty na ako sa sinabi ko sa kaniya, pero nagpa-inis pa sa akin lalo 'yung boyfriend niyang may kalandian.

Cheaters. Sarap talagang sapakin.

Ginawa ko ang lahat para maging okay si Elias. Mukhang tama naman ang ginawa ko.

Kapag talaga nakita ko yung Yves na 'yon. Mahahalikan niya 'tong kamao ko, at nangyari nga.

Nalilito lang siyang nakamasid sa akin dahil sa sinabi ko, akmang may sasabihin pero agad babawiin.

"P-pero hindi mo na dapat sinapak!" nahanap na ni Elias ang salita.

Sa pinapakita ni Elias na reaksyon, parang ayaw niya pa sa ginawa ko. Pinagtanggol ko lang naman siya.

"Elias. Okay ako. Okay siya. Tapos."

Hindi ko magawa 'to dati. Hindi ko maipagtanggol si Mama. Kaya sana naman magawa ko na ngayong malaki na 'ko.

Nanlaki ang mga mata niya, bakas ang pagkalito. Salamat lang naman niya ang hinihintay ko. Mahirap bang sabihin 'yon?

Sunod-sunod siyang umiling. "Hindi lang naman violence ang dapat mong gawin para may ma-ipagtanggol," may inis sa tono niya.

Bumuntonghininga siya. "Okay lang naman sa'kin…"

Nagsalubong ang kilay ko. Hindi 'yon okay! At kahit kailan hindi 'yon magiging okay. Dapat lumaban kapag sinasaktan. Kahit black eye lang ang magawa mo, okay na 'yon para makaganti.

Sarkastiko akong napangiti. "Elias, naririnig mo ba 'yung sinasabi mo? Okay lang sa'yo?"

Hindi na namin napapansin ang mga customer dito sa may counter, mukhang nanonood sila ng live drama.

"May magagawa pa ba ako kung 'yun na ang paniniwala ni Yves," pagod niyang saad, nawawalan na ng gana at saka yumuko. "Totoo naman..."

"Excuse me po—"

"WAIT!" sigaw ko dahil sa inis. Napaatras ang lalaking customer.

Bumalik ang tingin ko kay Elias. "Alam mo ba kung bakit ko 'to ginagawa? Wala akong nagawa dati noong na kay Papa pa kami. Nakikita ko lahat ng pang-aabuso niya kay Mama. Wala akong nagawa."

Sa bawat salitang lumalabas sa bibig ko, katumbas naman no'n ay sakit at pagsisisi. Pakiramdam 'ko napakahina ko kapag hindi ako lumalaban.

Punching Feelings Where stories live. Discover now