Kabanata 10: Care

19 2 0
                                    

Samahan ng mga Gwapo

Connor:

May lagnat ako

Baka hindi na ako papasok

Kaiden:

Bakit?

Connor naman

dapat ako lang ang hot

Raijin:

Get well soon, pare

Punta kami sa inyo mamaya

Drake:

Get well soon

😊

Fujin:

Get well...

Sergio:

Pagaling ka pre

Ace:

Will go there later

Get well soon, con

***

"Connor..." malambing at malamig na boses ang yumakap sa tainga ko.

Napalingon ako sa pintuan, nakatayo si Elias doon na parang hindi alam ang gagawin, papasok ba siya o sa labas lang.

"Pumasok ka na," paos kong sabi at umupo sa kama kahit parang tinutusok pa rin ang katawan ko sa sakit.

"Ano 'yon?" pilit kong pinapatigas ang boses.

Hindi siya gumagawa ng kahit anong ingay habang humakabang papunta sa akin. Nang makapunta siya, humawak siya sa noo at leeg para i-check ang init sa katawan ko.

Hindi ako nakakilos sa ginawa niya pero parang tumalon palabas 'yung puso ko. Ang lamig pa naman ng kamay niya.

Unang beses itong nangyari sa buong talambuhay ko, lintek.

"May bisita ka," sabi niya at maliit na ngumiti. Tumango ako hindi pinahalata sa kaniya ang kabang nararamdaman.

Alam ko naman na mga kaibigan ko 'yon kaya hindi na akong nag-abalang mag-ayos. Tumingin ako sa orasan, alas-tres pa lang. Hindi pa uwian.

Mabilis akong napatingin sa pintuan, palihim na nagdadasal na sana hindi siya. Bumagsak ang balikat ko nang siya nga ang makita ko.

Tinaas niya ang hawak na paper bag. "Pwedeng pumasok?" tanong ni Mang Tomas.

Naiinis man, pilit kong inayos ang sarili. Pinunasan ko ang mata, baka kasi may muta pa akong nakasilip. Inayos ko rin ang buhok para maging presentable naman.

Umupo naman siya agad sa kama at nilabas ang laman ng paper bag.

"Iwan ko na kayo," paalam ni Elias at nagsimula nang umalis. Balak ko sana siyang pigilan kaya lang nakaharap na sa akin si Mang Tomas.

"Gamot mo para mamaya," saad niya at pinakita sa akin ang mga tabletang gamot. "Every six hours ang inom."

Tumango ako at hindi nagsalita dahil wala naman akong dapat sabihin. Naiilang na ako at gusto ko nalang maglaho sa kawalan.

Sana pumasok nalang si Elias dito.

"Paborito mo raw ito sabi ng mama mo."

Punching Feelings Where stories live. Discover now