Kabanata 07: Talents

22 0 0
                                    

ELLE

"Aalis tayo, Ellampa."

Dumilat ang mga mata ko nang marinig ang paos na boses ni Connor. Kakagising lang siguro niya. Ganiyan naman si Connor. Kapag nagising siya, gigisingin na rin niya ako, tapos gagawin ko daw lahat ng gusto niya. Oh, gosh.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko habang nakatulala sa kawalan habang nakahiga pa rin, iniisip kung ano na namang papagawa sa akin ni Connor.

"Sa palengke."

Namilog ang mata ko at mabilis umupo. Hindi pa ako nakakapunta roon. Usually, our maid is the one who buys food in the market. I'm not familiar with that place.

Nagmamadali kong niligpit ang pinaghigaan. Nang matapos, agad kong kinuha ang susuotin ngayong araw. Nilagay ko rin sa balikat ang binigay sa akin ni Tita Sandra na bagong tuwalya.

"Palengke?" tanong ko sa kaniya habang kumakain siya ng almusal.

"Hindi, sa mall," pilosopo niyang sagot habang may laman ang bibig, at umirap.

Hindi ko nalang pinansin ang pagsusungit niya at dumiretso sa banyo. Mabilisang ligo dahil parang sasabog na si Connor kakahintay.

"Elias, tara na!"

Connor being Connor. Impatient.

"Tara na," si Connor nang lumabas ako sa banyo. Simpleng t-shirt at short ang nasuot ko at basa pa ang buhok.

"Ingat!" si Tita Sandra.

Ngumiti ako nang magpaalam. Si Connor naman dirediretso ang alis kaya tumakbo pa ako para mahabol siya habang mabilisang nagsusuklay. Sinundan ko siya hanggang sa huminto kami sa sakayan ng tricycle.

May sasakay pang dalawa at sa loob sila pumwesto. Kaya kami ni Connor sa may likod ng driver.

"Sa palengke ho," si Connor nang makasakay. Nagmamadali siyang pumwesto sa likod ng driver kaya halos magtaka ako.

Gusto niyang katabi 'yung driver?

"Dito ka," masungit niyang bulong at tumingin sa espasyo sa kaliwang parte niya. Samantalang ako, nakamasid lang sa upuan. Inaalam kung paano ako sasakay.

"Bubuhatin pa ba kita, Elias?"

Lumunok ako at tumungin sa baba. "Wait, okay. Kuha ko na."

May tungtungan pala para maka-akyat. Parang angkas lang pala sa bike ang upo.

"Ngayon lang kasi ako nakasakay..." bulong ko na narinig ni Connor.

"Alam ko," sabi niya at pinasa sa akin ang hawak na bayong.

Tahimik lang ako habang diretsong umaandar ang tricycle. Tumingin ako sa baba. Nakakaduling na dumadaan sa mata ko ang mga lupa. Dahil sa mangha, muntik na akong mahulog nang lumiko ang tricycle.

Grabe ang tibok sa dibdib ko. Parang nawala ang spirit ko sa katawan. Buti nalang naharangan ng braso ni Connor ang dibdib ko, kung hindi, salampak ako sa lupa.

"Hawak ka kasi dito…" Pinakita ni Connor ang kamay niya na nakahawak sa bakal na nasa bubungan ng tricycle. May bakal na hawakan doon, square ang shape.

Nilagay ko ang kanang kamay doon, sa tabi ng kamay ni Connor. Magkadikit ang parehas na kamay namin. Maliit lang kasi ang hawakan kaya nararamdaman ko ang pagdikit ng balat namin.

Napapikit ako dahil sa pagkapahiya. 'Yung braso ni Connor kanina, nasa dibdib ko. Sana hindi niya naramdaman. Mas gusto ko nalang mahulog kaysa maramdaman niya 'yung tambok ng dibdib ko.

Punching Feelings Where stories live. Discover now