Kabanata 14: Lucky

12 1 0
                                    

ELLE

The time stopped working as I stared at Connor's face. He just smiles that frequently happens in a day. Lumabas ang maputi niyang ngipin, at hindi mawawala ang cute niyang dimples.

Lumalamang ang kacute-an niya kaysa sa kasungitan ng mukha. Pinagpatuloy niya ang pagkuskos ng plato sa kamay habang pinipigilan niya ang pagngiti.

Sobrang bago sa pakiramdam kapag nakikita siyang ganito.

Gumaya na rin tuloy ako dahil hindi matigil ang ngiti niya.

"Mahipan ka ng masamang hangin d'yan, Connor..." nakangiti kong sabi, nahawa na.

Mabilis ang pagsara ng bibig niya sa gulat. Namilog ang mata niya at hindi alam ang gagawin. "Matutulog na ako," ang nasabi niya lang. Pinihit niya ang gripo at pinalandas ang kamay sa tubig.

Namalayan ko nalang na nagmamadali siyang umalis. Kumikislap ang mata ko habang sinusundan ang likod niya habang papunta sa kwarto.

Hindi pa rin matigil ang ngiti ko. "Connor…"

Pipihitan na sana niya ang door knob nang lumingon siya. Bumalik na ang magkasalubong na kilay at seryosong mukha ni Connor. Wala na ngayon ang ngiti.

Nagbuntonghininga ako. Hindi ko alam kung bakit nanghihinayang ako dahil nakasimangot ulit siya.

"Ngiti ka lang," may lambing sa tono ko.

Huminto siya para unuwain ang narinig. Lumawak ang kurba sa labi ko dahil nirolyo niya ang mata. Nagpatuloy na siya sa pagpunta sa kwarto.

***

Sana pala hindi ko na sinabi 'yon.

Ngumiti ako sa kaniya kaninang agahan, pero dahil sanay na ako sa ugali niyang nakasimangot palagi, tingin ko naman normal lang 'yon.

"Ako maghuhugas ngayon 'di ba?"

Tapos na ako sa pagkain, tapos na rin siya at umiinom na ng tubig sa baso. Naghihintay ako ng isasagot niya pero hindi niya ako sinagot. Hindi niya ako pinapansin. Kahit tingin man lang, hindi niya binigay.

Makulimlim na at maggagabi na sa labas. Dumiretso sa Moonlight store si Connor habang naka-uniform pa rin at nasa kabilang braso ang bag. Nasa glass door pa lang siya nang tumingin ako mula sa counter.

Nasa tabi ko naman sa counter ang vest niya kaya kinuha ko na. Kabisado na yata ng utak ko na ngumiti pabalik kung sino ang nasa harap ko. Ngumiti ako sa kaniya nang hindi ko namamalayan.

Binigyan niya ako ng maliit na tingin. "Co—"

Hindi ko pa nasasabi ang pangalan niya nang agad niyang hinablot sa kamay ko ang vest.

Nagsimula na akong magtaka. May nasabi ba akong mali? Gusto ko siyang pigilan at kausapin, nakataas ang daliri ko at nasa dulo na ng labi ko ang pangalan niya. Pero hindi ko naman mahanap ang tamang words na sasabihin sa kaniya.

Bumalik na rin ako pag-aasikaso ng mga customer habang abala pa rin ang utak sa ginagawa ni Connor.

Mahina at walang gana kong na-ilipat ang mata sa glass door dahil sa pagtunog ng bell. Dalawang estudyante ang nagpatuloy sa loob. Ang isa sa estudyante pala ay si Kaiden. Ngumiti ito sa akin.

Mabuti pa siya.

"Elle?"

Napatingin ako kung saan nanggaling ang boses, sa tabi ni Kaiden.

Halos lumuwa ang mata ko sa babaeng nakatayo ngayon sa harap ko.

"Anna?"

Magkatabi sila ni Kaiden. Ngayon ko lang na-realized na si Anna pala ang kasama ni Kaiden sa pagpasok.

Punching Feelings Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon