Kabanata 15: Secrets he wants to know

26 1 0
                                    

CONNOR

Swerte na 'ko sayo?

Lintek ka, Connor.

Hindi ko alam kung bakit ko 'yon sinabi. Siguro ayoko lang sumama ang loob niya sa sinabi ko tungkol kay Ms. Snow. At hindi ko rin alam kung bakit ayokong sumama ang loob niya.

Ano bang pakialam ko sa nararamdaman niya?

Nalilito rin ako sa nararamdaman ko.

"Lalim ng iniisip natin, ah," paggising ni Kaiden sa akin sa pagkatulala.

"Sh*t ka," nasabi ko dahil sa gulat.

"Salamat."

Hinilamos ko ang mukha at mahinang umungot. Kanina pa ako hindi makapag-concentrate, hindi ko tuloy maintindihan ang mga lessons. Ayos lang naman sa akin ang walang maintindihan sa inaaral namin. Ang gusto kong maintindihan, ang nararamdaman ko!

"Bakit nga," pamimilit ni Kai. Umiling ako at napa-inom ng tubig para may dahilan ako para hindi makasagot.

"Is it Elias?" biglang singit ni Fujin sa gilid ko.

Nasamid ako sa narinig, muntik nang nagtalsikan ang tubig kay Drake at Ace. Napa-peace sign tuloy ako ng wala sa oras para magsorry. Tumawa lang sila sa akin.

"Ano?!" Dineretso ko agad ang atensyon kay Fujin. Tahimik na bata lang si Fujin, pero totoo lahat ng lumalabas sa bibig.

"Connor, kilala ka namin. Si Drake lang ang kilala naming natutulala," sabi ni Kai at minasahe ang dalawang balikat ko.

Napatingin ako kay Drake na tulala habang sumisipsip ng chocolate drink.

Napatingin naman siya sa akin. "Why?"

Umiling ako at bumuntonghininga.

Sa Cafeteria, maraming tao at maingay. Sa gilid kami nakapuwesto pero maingay pa rin, naririnig ko pa ang chismisan ng mga lower year.

"So, si Elias na nga?" si Fujin ulit.

"Psychic talaga si Fujin, alam agad," pagsingit ni Kaiden.

Natawa siya. "Obvious naman e."

"Ano ba? Makulit ba kayo?" naiirita kong tanong. Wala ba talagang oras na tahimik sila? Hindi ko nga alam kung bakit ko sila natitiis.

"Hala, nagalit..."

Akmang sasapakin ko si Kaiden nang kunin niya ang kamay ko at pinagsaklop niya ito ng kamay niya.

"Kalma lang."

Umirap ako sa kaniya at mabilis na binawi ang kamao ko. Napunta tuloy sila sa tawanan, habang ako naiwang naiinis sa mga reaksyon nila. 'Yung inis na parang ikaw lang ang hindi nakagets ng joke? Ganito ang inis ko.

"Alam mo, Connor. Sabi sa akin ni Mang Tomas-"

Mabilis akong napatingin kay Kaiden sa narinig.

"Bakit?" tanong niya, umurong ang dila at nanlaki ang mata.

Umiling ako. Hindi pa pala nila alam na tatay ko si Mang Tomas. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwalang tatay ko siya. Nahuhuluaan ko na tuloy ang magiging reaksyon ng anim na 'to.

Punching Feelings Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon