Kabanata 03: New Home

21 0 0
                                    

ELLE

Nagugutom na ako.

Nagdadalawang-isip na rin. Is my decision right? What if I get into an accident? I sighed as I walked past the streets. Hindi ko na nga alam kung ilang oras na akong naglalakad.

Ang daming emotion sa puso ko. Hindi ko pa alam ang gagawin, dumagdag pa 'tong gutom.

Sinuot ko ang white cap para hindi ako makilala. The sun was already hiding, so all I could see was the light in the post. It serves as my guide. Kanina pa ako paikot-ikot at naghahanap ng lugar para magpahinga, pero natatakot ako sa tao. Kahit kaluskos pa lang ang narinig ko, tumatakbo na ako paalis.

Inayos ko ang backpack. Halos lahat ng damit ko ay nadala ko kaya patusok-tusok na ang sakit sa likod.

Pilit ko pa rin tinatatagan ang sarili kahit malapit na akong tumumba sa pagod. Ngayon lang ako nakapaglakad ng ganito kalayo kaya hindi ako sanay. Hindi rin ako sanay na malipasan ng gutom.

A tear almost rolled to my cheeks when my eyes found a little convenience store.

"Masyado nang marami 'yung nasa bag mo, share ka naman..."

Mahigpit niyang hawak ang mga kamay ko, gigil na gigil talaga. Lahat ng dugo ko sa braso, parang nawala. What did my arms do to them? Bakit palagi ang braso ko?

Naka-uniform na pang-estudyante ang lalaki. Kahit walang emosyon 'yung mukha niya, alam kong galit siya. His strong glare at me made me shiver in fear.

May kinuha siya mula sa bulsa. Nagpipindot na ito sa cellphone at akmang ilalagay sa tainga. Bigla ko nalang siyang pinigil at tarantang umiling.

"Please, ibabalik ko, huwag ka lang tumawag ng pulis..." pakiusap ko sabay hawak sa kamay niyang may hawak na cellphone.

Tumitig siya sa akin, nagtakaka. Lumipat ang tingin niya sa mga kamay namin.

Nakahinga ako nang maluwag nang ibaba niya ang telepono. Pero hinila niya pa rin ako papunta sa counter, naiwan ko pa ang bag.

Napupuno na talaga ng takot ang dibdib ko. If he gets me to the police, there is a chance Papa might find me. Gagawa na naman ako ng gulo.

"I'm really sorry… Hindi ko na po uulitin, nagugutom lang talaga ako," paki-usap ko sa kaniya. Pina-upo ako ng lalaki sa isang monobloc chair. Magkadikit ang paa, nanginginig ang kamay at nakuyuko. I look so pathetic.

Siya naman ay nasa harapan ko. I think our distance is only a two feet away. Nakaupo siya sa lamesa ng counter, nakakrus ang braso at may nakamamatay na tingin.

Nagbuntonghininga siya. "Hihintayin lang natin 'yung nanay ko, ta's saka ako magdidesisyon kung anong gagawin namin sa'yo."

Na-istatwa ako sa sinabi ng lalaki. Gusto kong sapakin ang sarili dahil sa nagawa. I didn't know why I attempted to steal. I'm sorry, I'll never do it again. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko habang pinagmamasdan ako ng lalaki.

Mukhang napagod siya sa kakatingin sa akin kaya nagpipipindot na siya sa cellphone. Tumingin ako sa may pintuan, wala namang customer kaya pwede akong tumakbo. I couldn't do it because his eyes resemble the CCTV. He watched every move I made.

Punching Feelings Where stories live. Discover now