Epilogue (1/2)

9.5K 200 40
                                    

"Tawang-tawa talaga ako Kuya kay Ate Athena, kahit nasa dorm ko acting na acting pa rin siya!" saad ni Eleaquinn na tumatawa nang malakas.


The three of them are still here on the rooftop, their monthsary celebration is over, but they decided to hang out first here.


"What did she say to you?" Joaquin asked, holding back his laughter.


"She said she misses you, Kuya, akala mo naman hindi kayo nag-uusap sa video call! E, ang sakit nga sa tainga marinig ng harutan niyong dalawa. Gosh! In love moments indeed!"


"At least, napaniwala natin sila, 'di ba? Lalo na 'yong Reverie na 'yon!" katwiran naman ni Athena na sumang-ayon ang dalawa, pero inaasar pa rin nila ito.


"Naalala mo ba Kuya? Siya nakaisip no'ng plano pero nagseselos pa rin siya sa inyo ni Reverie!" dagdag pa ni Eleaquinn habang umiinom ng wine.


Nagtawanan naman silang dalawa kaya si Athena naman ay nagtitimpi na huwag mapikon. "Yeah. She didn't even want to talk to me for almost two days. If I hadn't sent some ice cream, she wouldn't have talked to me at all!" Joaquin agreed that their laughter grew louder.


"Pagkain lang pala ang katapat ng selos ni Ate. Sa susunod na magselos siya, padalhan mo na ng isang truck na puno nang ice cream!"


At this moment, Athena glared at them. Joaquin noticed that; he gradually stopped laughing and just scratched his head.

Isip-isip naman ni Athena na sa tingin pa lang niya ay tiklop na si Joaquin.


"Well . . . Gumana naman ang plano ni Athena, 'yon ang mahalaga!" pagkakuwa'y pag-iiba ni Joaquin sa usapan para hindi siya mapagalitan ni Athena.


// flashback //

Pagkababa ni Athena sa harapan ng building nang condominium, hindi niya inaasahan na makikita niya roon ang kapatid ni Joaquin.


"E-Eleaquinn? Ano'ng ginagawa mo rito?" nagtatakang tanong niya. Wala na siyang pakialam kahit makita nito ang mga luha niya.


Kinausap siya nito para sabihin sa kaniyang hindi niya deserve ang panlolokong ginawa sa kaniya. Humingi na rin ito ng tawad sa kung ano mang nagawa ng kapatid niya kay Athena.


"I know this is really hard for you. My only wish is for you to be strong, Ate Athena."


"Thank you, Eleaquinn. Hindi ko alam kung bakit mo 'to ginawa, pero nagpapasalamat pa rin ako sa 'yo," Athena replied shyly while wiping her tears.


"Pero nandito ako Ate para sabihin sa 'yo na kung ano man ang sinabi sa 'yo ni Reverie kanina no'ng nagkita kayo sa penthouse ni Kuya, hindi 'yon totoo," Athena frowned for a moment after hearing that.


She asked confusedly. "What do you mean? How do you know? Were you there earlier too?"


Napalingon naman si Eleaquinn sa paligid para tignan kung may makakarinig ba sa kaniya, saka lang siya nagsalita ng bumalik na ang tingin niya kay Athena. "Can you let me into your room? It would be better if we just talk about it there."


No'ng una ay nagdadalawang-isip pa si Athena kung pagbibigyan niya ba ito, dahil hindi pa rin siya makatiyak kung dapat ba itong pagkatiwalaan. Pero gusto niya munang alamin kung ano ang nalalaman ni Eleaquinn kaya sa bandang huli ay pumayag na lang siya.


Pagkapasok nila sa unit ni Athena ay kaagad din namang magpaliwanag si Eleaquinn. "Para sagutin ang tanong mo kanina, Ate. Wala ako ro'n sa penthouse ni Kuya, pero pinapunta niya ako rito sa 'yo para sabihin ang totoong nangyari," bungad nito dahilan para hindi makapagsalita si Athena. Dahil do'n ay nagpatuloy na lang si Eleaquinn sa pagpapaliwanag. "Nagpapanggap lang na tulog si Kuya no'ng pumunta ka ro'n sa kaniya kanina. Humanap siya ng tiyempo kung paano niya makukuha ang phone ni Reverie ng hindi nito nalalaman at hindi siya nahuhuli, kaya no'ng sinundan ka ni Reverie palabas ng penthouse ni Kuya, iyon ang naging go signal niya para pakialamanan ang phone ni Reverie . . ."


Countless Nights with Mayor | COMPLETEDWhere stories live. Discover now