CNWM: 11

10.6K 258 27
                                    

"Lakas ng tama mo 'no?!" Athena shouted as she wiped her tears with her palm. "Tingin mo ba papayag ako na kunin mo na lang si Faye sa akin basta-basta kung kailan mo gustuhin? Kung nasisiraan ka nang ulo sa mental hospital ka pumunta. Naiintindihan mo?! Huwag mo kami idamay sa kabaliwan mo at hinding-hindi ko ibibigay sa 'yo ang kapatid ko!



". . hindi mo alam ang paghihirap at sakripisyo ko para sa aming mag-iina . Wala kang alam sa hirap at pagod na pinagdaanan ko para isisi mo lang sa akin ang pagkamatay ng inay! Kung tutuusin ikaw dapat ang sisihin dahil kung hindi mo kami iniwan, hindi kailangang magtrabaho ng inay para buhayin kami kasi ikaw dapat 'yon! Ikaw dapat ang gumagawa no'n!" mahabang 'di pagsang-ayon ni Athena.



"Ang dami-dami mong sinabi! Anak ko pa rin si Faye, kaya puwede ko siyang kunin kahit kailan ko gusto at may karapatan pa rin ako sa kaniya," her father countered.



"Ilang beses ko pa bang uulit-ulitin sa 'yo na simula no'ng iwanan mo kami ay wala ka nang karapatan pa sa kahit sino man sa amin? Mahirap bang intindihin 'yan?"



"Pumayag lang ako no'n na huwag kunin si Faye dahil sa kagustuhan ng nanay mo. Ngayong wala na siya, babawiin ko na ang kapatid mo!" katwiran pa nito.



"Hindi ako papayag! Hindi ko sa 'yo ipauubaya si Faye!" sa galit ni Athena ay napatikom na lang siya ng kaniyang palad, pilit niyang pinipigilan na ilabas ang galit.



His father just shook his head before turning to Faye. "Halika na, anak. Sumama ka na sa akin." pag-aya nito na inalok ang kaniyang kamay.



Napatitig naman si Faye sa kamay ng kaniyang ama. Nag-aalangan siya kung aabutin ba iyon o hindi kaya naman lumingon muna siya sa kaniyang Ate.



Umiling naman si Athena rito. "Hueag kang sasama, Faye. Huwag kang sasama sa magaling nating tatay!" pigil nito.



"Huwag mo ngang bilugin ang ulo ni Faye, Athena. Alam kong gusto niyang sumama sa akin!" naiinis na tugon nito. "Tara na, Faye. Gusto ka na makilala ng mga kapatid mo," baling muli nito kay Faye na pilit pang ngumiti.



"M-May mga kapatid pa po ako?" gulat namang tanong ni Faye.



"Huwag kang maniwala d'yan, Faye. Niloloko ka lang n'yan para sumama ka," agad namang sabat ni Athena na hinawakan na si Faye para hindi sumama.



"Puwede ba? Pabayaan mo na ang kapatid mong mag-desisyon?" naaasar na giit naman ng ama niya.



"Utang na loob. Puwede bang hayaan mo muna kaming magluksa sa pagkamatay ni inay? Kalilibing pa lang oh." sabay turo ni Athena sa puntod ng kaniyang ina. "Kung may natitira ka pang kahit kaunting kabaitan d'yan sa katawan mo, kahit kaunting respeto naman kay inay. Bigyan mo naman kami ng kapayapaan na magluksa rito!"


"Wal—"



Hindi pa nakapagsalita ng maayos ang tatay ni Athena ng unahan na ito ni Clarice  "Mawalang galang na ho. Pero puwede ba?" sabay-sabay na napalingon ang tatlo kay Clarice na kanina pa nakikinig sa usapan nila. "Tama po si Athena. Respeto na lang po kay Tita Matilda. Kahit papaano naman ho ay naging importante rin sa 'yo ang nanay nila. Kaya sana intindihin mo muna ang magkapatid. Huwag mo muna dagdagan ang pinagdadaanan ng dalawa. Wala ka na nga ho naitulong dagdag ka pang problema. Aba'y mahiya naman ho kayo n'yan."



Kumunot ang noo ng tatay nila Faye dahil sa sinabi ni Clarice. Hindi na ito nakaimik pa at bigong naglakad na lang paalis.



Bakas sa mukha ni Faye ang panghihinayang na kahit si Athena ay napansin 'yon. Makahulugang nagkatinginan na lang silang dalawa ni Clarice, pagkakuwa'y napangiwi na lang si Athena.



Countless Nights with Mayor | COMPLETEDWhere stories live. Discover now