CNWM: 09

12.4K 299 26
                                    

You can listen to this music while reading this chapter for better experience. ^_^

•••

Walang reaksyon o kahit anong salita na nakuha ang doctor mula kay Athena. Nakatulala lang ito habang nakatitig sa kaniya.



Hindi magawang i-proseso ni Athena sa isip niya ang mga narinig niyang 'yon.



Samantalang si Faye naman ay mas lumakas na ang pag-iyak sa pagkakataong 'to na mabilis pumasok sa loob ng room kung saan naroon ang nanay niya.



"I-Ibang pasyente po ata ang tinutukoy mo, Doc?" pagbabaka-sakali ni Athena dahil hindi niya nagustuhan ang mga narinig.



Athena hoped to hear an answer that matched her expectations.



"Nagkamali lang si Doc. Nagkamali lang si Doc. Nagkamali lang si Doc." 'Yon ang paulit-ulit na sinasabi ni Athena sa kaniyang isip.



"What's your relationship with uhm?


". . Matilda Cunanan?" kumunot ang noo ng doctor na nagtatakang umusisa kay Athena.



"N-Nanay ko po."



"Exactly. You can spend some time at the patient bedside before the staff take the body of the patient to the hospital mortuary," paliwanag ng doctor.



Sunod-sunod na napailing si Athena habang nagsisimula nang tumulo ang mga luha niya. "Hindi, Doc. H-Hindi po 'yan totoo! Buhay pa ang Inay, 'di ba, Doc? Nagkamali lang kayo, hindi patay ang nanay ko. Please, Doc? Huwag naman po kayo magbiro ng gan'yan! Bawiin niyo po ang sinabi niyo. Doc, Please?" pilit na pagtanggi ni Athena. Kitang-kita sa mga mata nito ang lubos na pagdadalamhati.



Kahit sino naman ang malagay sa ganitong sitwasyon ay maaaring ganito din ang maging reaksyon. Mahirap para sa isang tao ang mawalan ng mahal sa buhay. Mahirap tanggapin ang pangyayaring ganito na kahit alam na natin ang totoo ay pilit pa rin nating itinatanggi dahil sa kabila ng mga katotohanang iyon ay umaasa pa rin tayo na baka-sakaling may magbago pa.



Kahit sa isang doctor ay masakit ang mamatayan ng pasyente. Ngunit ganito talaga ang buhay sa hospital, hindi lahat ng buhay ay kayang isalba ng mga doctor.



"Doc, parang awa mo na. Bawiin niyo po ang sinabi niyo! Buhay ang inay. 'Di ba, Doc? Buhay ang inay!" dagdag ni Athena. Halos yugyugin niya na ang doctor habang nagmamakaawa rito.



The doctor tries to extend his patience because he understands Athena's feelings right now. "We are so sorry for your loss, Miss," he replied sadly.



Nagpaalam na ang doctor dahil may urgent operation pa ito. Naiwan namang nakatulala si Athena na patuloy pa rin sa pagpatak ang mga luha nito. Pilit niyang prino-proseso ang mga kaganapan.



"Inay! Gumising ka na po, oh! Huwag mo naman kaming iwanan ng ganito!" narinig ni Athena ang malakas na sigaw ni Faye habang humahagulhol ito sa pag-iyak.



Ayaw pa sanang pumasok ni Athena sa loob dahil lubos lang siyang masasaktan at iniisip niyang hindi niya kakayaning makita ang kaniyang nanay sa ganitong sitwasyon. Ngunit wala siyang nagawa pagkarinig sa mga sigaw at mga iyak na 'yon galing sa kapatid niya.



"Natutulog ka lang, 'di ba, Inay? Gigisng pa po kayo, 'di ba po? Sige na po inay, oh? Bangon ka na d'yan, oh. Aakyat pa po kayo sa graduation ko, 'di ba po? Malapit na birthday mo, Inay. I-c-celebrate pa natin 'yon tapos ipapaluto natin kay Ate 'yong paborito mong carbonara. Saka malapit na po ang pasko at bagong taon, manonood pa tayo ng fireworks, 'di ba, Inay? Gising ka na po oh, gusto pa kitang alagaan, Inay . . ." Pagpupumilit pa ni Faye na mas lalong lumakas ang paghagulhol nito.



Countless Nights with Mayor | COMPLETEDWhere stories live. Discover now