CNWM: 26

7.6K 234 92
                                    

Athena escorted Clarice's coworkers out. Nagpaalam na ito sa kaniya dahil antok na antok na sila pagkagaling sa trabaho at kailangan na nila magpahinga.



Dito kasi kaagad sila dumiretso sa condominium para bisitahin si Clarice dahil ito na ang huling gabi na narito ang bangkay nito. Bukas ay dadalhin na si Clarice at Faye sa huling hantungan nila.



"Mauuna na kami, Athena. Babalik na lang kami rito bukas, ah? 'Di na talaga namin kaya ang antok, e," paalam ng mga katrabaho ni Clarice. Kitang-kita sa mga mukha nito ang labis na pagod at antok. Mga bagsak pa ang balikat nito na tila wala na sila natitirang lakas.



"Sige, hintayin ko na lang kayo bukas. Alas-otso pa naman sila ihahatid sa sementeryo, tiyak na aabutan niyo pa. Salamat ulit sa pagpunta, ah?"



"Wala 'yon. Katulad mo ay masakit din para sa amin ang sinapit ni Clarice. Sobrang malapit kami sa kaniya. Sa huling pagkakataon, gusto namin siyang makita," paliwanag ng isa sa mga ito.



Nang makaalis na sila ay bumalik na si Athena sa loob ng function room. Dahan-dahan siyang umupo sa tabi ni Joaquin na siyang pansamantalang nagbabantay kay Clarice at Faye.



"Apat na araw ka nang hindi umaalis difo. Umuwi ka at magpahinga ka muna kaya?" pagkausap niya rito na kaagad naman siyang nilingon.



His eyes were almost closed due to sleepiness. "I don't want to go home. I'll stay here with you," Joaquin rejected Athena's suggestion.



"Look how sleepy you are, oh? You need to have some rest. Look yourself, ang lalaki nang eye bags mo. Sige ka, mabawasan kagwapuhan mo n'yan," Athena insisted as she examined Joaquin's face.



Joaquin laughed at Athena's words. "I'm not concerned about my looks. I'll stay here no matter what. I can't leave you here alone," muling tanggi ni Joaquin na inayos ang pagkakaupo niya at iniling-iling ang ulo para alisin ang antok "Look, I'm not sleepy anymore. So, let me stay here. Please?" pilit nitong nilalakihan ang mga mata para kunwari ay nawala na ang antok niya. Sumimangot pa ito at nag-pout para lang maawa sa kaniya si Athena



Athena grimaced and eventually sighed. "Oo na. Mag-stay ka na kung gusto mo," pagpayag nito.



She caught a glimpse of Joaquin's smile, for that reason, sinamaan niya ito ng tingin at inirapan.



"Sabi na e, hindi mo ako matitiis," pang-aasar nito na mas kinainis ni Athena, lalo pa no'ng sarkastiko itong tumawa nang mahina.



"E, kung itaboy kita pauwi?" singhal ni Athena na halatang nagsusungit.



"You're so pikunin naman. Look yourself, 'di bagay sa 'yong nakasimangot. Sige ka, mabawasan kagandahan mo n'yan," dagdag pang pang-aasar ni Joaquin na ginaya pa ang mga sinabi ni Athena kanina, maging ang paraan ng  pagsasalita nito.



"Nanggigigil ako sa 'yo! Pasalamat ka . . ."




"I should be thankful . . . What?" holding back a laugh waiting for Athena to talk.



"P-Pasalamat ka . . . Nakikita tayo nila Faye at Clarice," katwiran nito na tumingin pa sa kabaong ng dalawa. "Kung hindi, hinila na kita palabas!" dagdag niyang palusot.



Joaquin just laughed and shook his head. "You're so cute when you're annoyed with me."



Kumunot naman ang noo ni Athena dahil doon. Napaisip ito kung paano 'yon naging cute sa paningin ni Joaquin. "Pagtitimplahan na nga lang kita ng kape, para mahimasmasan ka sa pinagsasabi mo," rason ni Athena. Nang hindi naman umalma si Joaquin ay lumabas na ito sa function room papunta sa unit nila.



Countless Nights with Mayor | COMPLETEDWhere stories live. Discover now