CNWM: 28

7.7K 204 98
                                    

Labis ang pag-aalala sa mukha ni Joaquin habang nakatingin kay Athena na sunod-sunod ang pag-inom nito.


Kung ganito lang naman pala ang mangyayari, hindi na sana pumayag si Joaquin sa pamimilit ni Athena na uminom sila ng alak.


Kaso ano'ng magagawa niya? Masyadong makulit si Athena, at kahit papaano'y hindi niya ito matiis.


"For Pete's sake! I hope I don't agree earlier from what you want," reklamo ni Joaquin na napasapo na lang ito sa kaniyang noo.


Narito sila ngayon sa isang restobar para pagbigyan si Athena sa gusto nito.


"What? B-Bakit hindi mo . . . pa iniinom 'yang n-n-nasa baso mo? T-Tutunganga ka na lang?" sita rito ni Athena na sa pananalita pa lang nito ay halatang nakarami na ng alak.
"B-Baka . . . matunaw ako n'yan s-sa kakatitig mo sa akin, J-Joaquin ko," dahil sa sinabing 'yon ni Athena ay mas lalong napatitig sa kaniya si Joaquin at natulala na rin ito. Nakaawang ang bibig na hindi malaman ang isasagot.


A few seconds later, Joaquin was stunned and immediately shook his head.


Joaquin quickly drank the wine in his wine glass. "You are really drunk Athena," Joaquin said after he finished to drink the liquor, "Come on, I'll take you back to your condo," Joaquin stood up to support Athena.


Natitiyak niyang kung hahayaan niya itong maglakad mag-isa, baka makita niya na lang itong nakadapa na sa sahig.


"N-No. D-Dito lang tayo. A-Ayaw ko pang umuwi!" Athena refused, trying to remove Joaquin's hand from her shoulder.


Sa pagsigaw ni Athena ay nabulabog ang mga customer na narito sa loob ng restobar. Nang tignan ni Joaquin ang mga nasa paligid niya ay sa kanila ito nakatingin kaya naman nakaramdam tuloy siya ng hiya. "Pasensya na po kayo, nakainom na po siya ng marami," mahinahong paghingi niya ng paumanhin sa mga ito.


Joaquin bent slightly to whisper to her. "A-Athena, let's go home. You're drunk," he said softly, speaking very calmly.


"H-Hindi pa ako l-lasing, Joaquin. B-Baka ikaw?" tugon ni Athena na mas malakas ang boses ngayon kumpara kanina.


Joaquin simply looked around and people were still looking at them. "A-Ang g-guwapo-guwapo mo . . . ang hina mo sa alak! G-G-Gusto mo ba'ng i-seminar kita, h-ha? Sagot! K-Kapag hindi ka sumagot, h-hahalikan kita. Sige ka!" muling sigaw ni Athena kahit sobrang lapit lang sa kaniya ng mukha ni Joaquin. Makailang beses na niya pa itong pinapalo sa dibdib ngunit tila wala lang 'yon kay Joaquin.


Mahinang napatawa na lang si Joaquin sa pinagsasabi ni Athena. Instead of being annoyed by it, he finds it cute, though.


"Kung hindi kita mapipilit umuwi. Fine. Mapipilitan akong iuwi ka nang puwersahan," tugon ni Joaquin na mabilis nitong binuhat si Athena. Walang kahirap-hirap niya itong binuhat na tila hindi man lang siya nabibigatan.


"A-Ano ba, Joaquin! I-Ibaba mo ako! Ayaw ko pang umuwi! Ahhh! T-Tulong! May magnanakaw! Ninanakaw niya ako!" sigaw ni Athena na nagpupumiglas.


Sinisipa-sipa nito ang paa sa ere habang pinagpapalo si Joaquin sa balikat na parang wala iyong epekto kay Joaquin.


"Magnanakaw! Tulungan niyo 'ko! Ninanakaw niya ako!" walang tigil pa rin na kakasigaw ni Athena kahit nasa labas na sila ng restobar.


"P're! 'Yong babae ninanakaw daw!"


"Tay! Huwag ka nang makialam d'yan baka madamay ka pa!"


Countless Nights with Mayor | COMPLETEDWhere stories live. Discover now