CNWM: 21

8K 222 63
                                    

Nagpalipat-lipat ang tingin ni Athena. She had so many questions at the moment, but she couldn't get an answer from Faye.



"Faye?! Sagutin mo ako! Anong ibig-sabihin nito?!" Athena was unable to stop getting angry and yelling at her sister.



Si Faye naman ay mas lalong lumakas ang pag-iyak. Hirap na hirap na ito habang habol-habol niya ang paghinga.



"Faye?! Sa 'yo 'to? Buntis ka?! Paano na mga pangarap mo? P-Paano na pag-aaral mo? Akala ko ba gusto mong maging proud sa 'yo ang ina—"



"O-Oo, Ate! Akin 'yan! Oo, buntis ako!" sigaw ni Faye na hindi na pinatapos si Athena sa sinasabi nito.



"Bakit?! Paano ka nabuntis?!" Athena's face showed her frustration with her sister.



Pinunasan ni Faye ang mga luha niya, kaagad itong tumayo at lumabas ng banyo.



"Sagutin mo ako! Ano ba, Faye? Sinong nakabuntis sa 'yo?!" dagdag ni Athena na sinundan ang kapatid. Hinila niya ito para tumigil sa paglalakad.



Faye faced her with an emotionless face. "H-Hindi na 'yon mahalaga. I-Ipapalaglag ko ang pinagbubuntis ko, Ate!"



Hindi nagustuhan ni Athena ang naging sagot sa kaniya ng kapatid. "Anong sabi mo? Tama ba ang narinig ko? Ipapalaglag mo ang bata?! Ipapalaglag mo ang bata pagkatapos niyong gawin 'yan ng kung sino mang lalaki 'yan, Faye! Sana naisip mo 'yan bago kayo gumawa! isipin mo nga ang kapakanan ng bata!" pagkontra ni Athena sa suhestiyon ni Faye.



"'Yong kapakanan ng bata, Ate? Paano naman ako? Paano naman 'yong kapakanan ko?! Hindi ko 'to gusto! Ayoko rito! Ipapalaglag ko 'to!" balik ni Faye. Hindi niya mapigilang manginig sa galit.



"Walang kasalanan ang bata, Faye!"



"H-Hindi ko rin Ate kasalanan na ma-rape ako! Ni-rape ako, Ate!" hindi na napigilan ni Faye ang sarili kaya inamin na lang niya ang totoo.



Hindi naman nakagalaw si Athena sa kinakatayuan niya. Hindi niya inaasahan ang mga salitang 'yon na nanggaling sa kapatid. Hindi niya alam kung tama pa ba ang naririnig niya dahil mukhang hindi niya ito kinakayanan.



"A-Anong sabi mo?" mahinang tanong ni Athena. Kaagad na kumawala at pumadausdos ang luha niya pababa sa kaniyang pisngi.



"Ginahasa ako, Ate!" ulit ni Faye. "G-Ginahasa ako!" sa pagkakataong 'to ay tuluyan na ulit itong humikbi. Nangangatog ang mga tuhod niya kaya hindi na kinayaan at napaupo ito sa sahig.



Lumapit si Athena sa kapatid at lumuhod sa harap nito. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ni Faye paharap sa kaniya. "S-Sinong may gawa sa 'yo nito?" ramdam ni Faye ang panginginig ng kamay ni Athena habang nakahawak sa pinsgi niya.



"A-Ang instructor ko, Ate. Hinalay niya po ako. Pinagsamantalahan niya ako. Ginamit niya ang pagkakataon para gahasain ako. Gusto ko lang naman pumasa sa subject niya, gusto ko lang pumasa pero ganito ang ginawa niya sa akin."



Napayuko na lang si Athena matapos niyang marinig iyon. Hindi niya matanggap ang mga nalaman na ito. All Athena knew was that her heart was full of anger right now.



Muli niyang hinarap ang kapatid. Nanunubig ang mata nito dahil sa nagbabadyang luha. "K-Kailan pa, Faye? Kailan niya ginawa 'to sa 'yo?!" dagdag pa ni Athena.



"Kagabi lang, Ate. K-Kagabi niya ako ginahasa," her voice trembled as she answered her sister.



Umiling si Athena pagkatapos no'n. "Pero hindi mo malalaman kaagad na buntis ka kung kagabi lang nangyari! Ilang beses niya na ba 'to ginawa sa 'yo, ha? Bukod kagabi, ginahasa ka na ba niya dati pa?" nagtatakang usisa ni Athena.



Countless Nights with Mayor | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon