CNWM: 05

14K 333 18
                                    

A thief runs faster than a horse in a race.



"Magnanakaw!"



"Hoy! Bumalik ka rito!"



"Magnanakaw! Ibalik mo 'yang bag ko!"



Athena continued to scream as she chased after the woman who snatched her bag.



Ang bilis ng pangyayari at walang kahirap-hirap na nahablot ng magnanakaw na iyon ang bag ni Athena na kung saan ay naglalaman iyon ng pera na galing pa sa ibinigay na financial assistance.



"Kapag nahabol kita humanda ka talaga sa akin! Ingungudngod ko 'yang pagmumukha mo! Hayop ka!" kasabay ni Athena sa pagsigaw si Clarice na nakasunod sa kaniyang humahabol din.



"Hoy magnanakaw tumigil ka!" muling sigaw ni Athena nang makita niya ang magnanakaw na mabilis sumakay sa motorsiklo na nakahinto sa isang Kanto.



Natitiyak ni Athena na kasama nang magnanakaw na iyon ang driver.



Mukhang dito sa kanto na ito nila napagkasunduan na magkita pagkatapos ng kanilang modus na pagnanakaw.



Hinihingal na napahinto mula sa pagtakbo sina Athena at Clarice. Tagaktak ang mga pawis nito habang habol nila ang paghinga matapos nilang tumakbo nang napakahabang kalsada at maraming pasikot-sikot na eskinita.



Nakita pa nila ang mga magnanakaw ngunit malayo na ito at alam nilang hindi na nila ito mahahabol pa kaya sumuko na lang silang habulin pa ang mga ito.



"Naisahan ka ro'n, ah!" Clarice seethed as she wiped her sweat.



"Masama na ang kutob ko pagkakita ko pa lang sa babae na 'yon. Pero mukha naman siyang hindi gagawa ng masama kaya hinayaan ko lang," katwiran naman ni Athena.



"Halatang sanay na sanay na sila sa gano'ng gawain. Walang kahirap-hirap nilang nakuha ang bag mo. Mabuti na lang ay nasa maleta ko ang pera ko, hindi naman 'yon magtatangkang kunin ang maleta dahil mahihirapan siyang buhatin 'yon."



Isang malaking maleta lang ang nailabas ni Clarice noong may sunog. Iyon lang kasi ang nakita niyang madaling bitbitin at nandoon ang mga importanteng mga damit na kailangan niya sa trabaho.



"Ang iniisip ko 'yong pera. 'Yon na lang ang meron kami," nag-aalalang sagot nito na labis ang panghihinayang sa kaniyang reaksiyon.



"Kung tamaan ka naman talaga ng malas Athena to the highest level na. Jusko!"



Bagsak ang balikat ni Athena habang naglalakad pabalik sa kung saan sila nanakawan. Naroon kasi nila naiwan si Faye at ang nanay nito.



Disappointment was evident in Athena's reaction after she sighed repeatedly.



"Oh anong nangyari? Nahabol niyo ba ang magnanakaw?" entrada ni Matilda ng makabalik na sila Athena.



"Hind po, Nay. Mukhang may kasama e, ayon natangay na ang pera. Ayos lang sana kung 'yong lang bag e' mumurahin lang 'yon, kaso nando'n 'yong galing kay Mayor," paglalahad nito sa naganap.



"Susmaryosep! Mukhang natunugan nilang mamimigay dito kaya nila alam. At sa kamalas-malasan ikaw pa ang nabiktima," turan ng nanay ni Athena na napapasinghap pa.



"Baka may balat ka sa p'wet, Ate?" singit ni Faye na sinamaan siya ng tingin ni Matilda.



"Ikaw talagang bata ka! Nagawa mo pang magbiro e' namomroblema na nga ang Ate mo!" bulyaw nito na napakamot na lang sa ulo si Faye.



Countless Nights with Mayor | COMPLETEDWo Geschichten leben. Entdecke jetzt