CNWM: 15

9.5K 236 52
                                    

It was seven in the morning when Athena got home. She was hoping that Faye would be there, but she was disappointed when she got to the condo,  Faye wasn't there yet.



"Hindi ba kinuha ni Faye ang susi?" tanong ni Athena sa may-ari ng condo.



"Hindi, e. Wala rin nagbukas ng gate kagabi kaya natitiyak kong hindi umuwi ang kapatid mo," tugon sa kaniya nito.



"Gano'n po ba? Sige po, salamat!" nagtataka man ay kinuha na lang ni Athena ang susi at pumasok na sa condo nila.



"Bakit kaya hindi umuwi 'yon?"



"Ayos lang kaya siya?"



"Saan kaya siya natulog?"



"Ano kayang nangyari ro'n?"



Sunod-sunod na tanong ni Athena sa sarili habang pabalik-balik na naglalakad sa sala.



Athena wanted to sleep because she was really sleepy, but she couldn't sleep while worrying about her sister.



She first got some water to drink and sat on the sofa to calm herself down.



Athena stood up when the door suddenly opened and the person she had been waiting for entered.

"Faye? Bakit ngayon ka lang?!" kinakabahang bungad ni Athena rito.



"A-Ate . . ." Faye responded weakly, struggling to speak. Her eyes are puffy as if from crying, her hair is messy, her shoulders are drooping due to fatigue, and she is grimacing as if she is in pain.



"Ano bang ginawa niyo? Ba't parang pagod na pagod ka? Tignan mo ang sarili mo daig mo pa ang ginahasa! Ano ba talaga nangyari, ha?" sunod-sunod na pag-usisa ni Athena.



"N-Nag-practice kami ng sayaw, Ate. P-Part ng culminating activity namin. Sobrang nakakapagod po kasi," paliwanag ni Faye.



"Sige na, magpalit ka na ro'n tapos kumain na tayo." Utos niya rito na tumango naman si Faye.



Naglakad na ito papunta sa kuwarto ngunit napansin ni Athena na iika-ika itong naglalakad. "Ayos ka lang ba talaga, Faye?! Pati sa paglalakad hirap na hirap ka!" sita ni Athena.



"A-Ayos lang ako, Ate. Nabigla lang talaga katawan ko. Huwag mo ako isipin," tugon ni Faye na nanginginig pa.



"Grabe naman 'yang practice niyo, parang gusto niyong patayin ang isa't isa!" sermon pa ni Athena. Napahilamos na lang ito sa kaniyang mukha at muling naupo sa sofa.



Ang mahalaga ay ligtas si Faye. 'Yon na lang ang inisip ni Athena.



Habang hinihintay niya na lumabas si Faye ang dumating naman si Clarice.



"Anong nangyari? Ba't parang balisa ka?" nagtatakang entrada ni Clarice.



"Wala. Si Faye kasi kauuwi lang galing sa practice nila. Ayon iika-ikang umuwi nasobrahan sa kakasayaw. Ang lala masyado ng practice nila."



"That must not happen again. Do their teachers know that? Baka mapahamak ang mga istudyante nila kung gan'yan palagi!" naiinis na reklamo ni Clarice. Eksakto namang lumabas si Faye galing sa kuwarto. "Halika nga, Faye. Lumapit ka sa akin."



"P-Po?"



"Lumapit ka sa akin sabi ko."



Gaya sa sinabi ni Clarice ay sumunod naman si Faye. Napailing na lang si Clarice ng makita niyang iika-ikang naglakad si Faye.



Countless Nights with Mayor | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon