CNWM: 39

7.2K 193 102
                                    


"Miss ko na ang kuya mo, Eleaquinn," biglang wika ni Athena habang nililinisan ni Eleaquinn ang sugat na natamo niya dahil sa nangyari.


Eleaquinn stopped treating Athena's wound because of what she said. "I know that, but that's the way it is, eh. There's nothing we can do," she replied to her, continuing to treat Athena's wound.


Napapangiwi si Athena sa tuwing mararamdaman niya ang paghapdi ng sugat sa bawat pagdampi ni Eleaquinn ng bulak.


"Not a day goes by that he doesn't cross my mind. There isn't a day that I don't cry, wondering if he's okay? I-If he can take care of himself? Ang hirap. Mahal na mahal ko 'yon, e. Mahal na mahal ko 'yon sa kabila ng mga nangyayari. Mahal ko pa rin siya kahit hindi ko na alam kung maaari pa ba?"


Narito ngayon si Athena sa dorm ni Eleaquinn dahil wala siya ibang mapuntahan matapos siyang paalisin sa condo. Mabuti na lang ay napakiusapan ni Eleaquinn ang owner ng condo na rito muna siya pansamantala.


"Ikaw, Eleaquinn, may boyfriend ka ba?" pagkakuwa'y tanong ni Athena rito.


"W-What?!" Eleaquinn asked back in shock.


"Aray!" reklamo ni Athena matapos mapadiin ni Eleaquinn ang pagkakadampi ng bulak sa sugat niya pagkatapos niyang magulat sa naging tanong ni Athena. "Ang sakit no'n, ah!"


"Sorry. Ikaw kasi, bigla-bigla ka na lang nagtatanong ng kung ano-ano!" reklamo din nito.


"Ba't para naman kasing gulat na gulat ka? Ano, may boyfriend ka 'no? Yieee. Aminin mo na," pang-aasar ni Athena rito na sinamaan naman siya ng tingin ni Eleaquinn.


"Kung gusto ng iba magdagdag nang stress sa buhay nila, ako ayoko. I'm already stressed with my pre-law courses, dadagdagan ko pa ba? I cannot, Ate!" reklamong dagdag niya na napatapik pa sa noo.


Nang matapos si Eleaquinn sa paggamot ng sugat ni Athena ay nagpaalam muna ito na maliligo. Naiwan naman si Athena na sinundan si Eleaquinn ng tingin habang naglalakad ito papasok ng kuwarto.


Natulala na lang si Athena sa kawalan dahil wala siyang magawa at naiwan siyang mag-isa. Umayos siya ng upo at dahan-dahang yumuko para sana hawakan 'yong kuwentas na bigay sa kaniya ni Joaquin, ngunit pagkahawak niya sa may dibdib niya ay wala na siyang nahawakang kuwentas. Hanggang sa maalala niyang binalik na niya 'yon kay Joaquin.


Kaagad na sumilay ang lungkot sa kaniyang mga mata matapos niyang matauhan.


"Ahh, huwag kang iiyak, Athena. Huwag na huwag kang i-iiyak," pagkausap niya sa kaniyang sarili habang nakatingala para pigilan ang pagtulo ng luha. "Tama na, oh. T-Tama na—uhh!" ngunit kahit anong pigil niya ay nabigo siyang patigilin ang mga luha na mabilis pumadausdos sa kaniyang pisngi.


Nahagip ng kaniyang mga mata ang bintana ng dorm ni Eleaquinn kung saan tanaw ang paglubog ng araw. Kahit tumutulo ang kaniyang mga luha, mabilis siyang lumapit sa bintana para masilayan ang magandang tanawin na iyon.


"N-Now I know why Faye used to watch the sunset everytime she's  unhappy. . ." Athena spoke to the void as she looked at the orange sky. "It's giving the vibe of peace."


She stayed there for a few moments, no words came out of her mouth, she can only heard her breathing.


Narinig niya sa kalagitnaan ng katahimikan ang pag-vibrate ng phone niya. Napalingon siya sa kinaroroonan nito at kaagad siyang lumabas para kuhain ito.


Habang nakatitig siya sa kaniyang phone at habang inaalam ang dahilan ng pagtunog nito ay kasabay no'n ang paglabas ni Eleaquinn sa kuwarto.


Countless Nights with Mayor | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon