"OMG! You need to see this, Ate Athena!" patakbong lumapit si Eleaquinn kay Athena habang may tinitignan ito sa phone niya. "Hinahamon ka niya for one-versus-one interview."


Sinulyapan ni Eleaquinn si Athena dahil hindi siya nito kinibo, nagtaka naman siya dahil tulala lang si Athena habang nakatitig sa phone nito.


"Hoy, Ate!" bahagyang napatalon sa gulat si Athena matapos siyang alugin ni Eleaquinn ng bahayga.


"Nagulat naman ako sa 'yo!" sita ni Athena sa ginawa ni Eleaquinn. "May sinasabi ka ba?"


"Kanina pa kita kinakausap 'di mo naman pala ako naririnig. Sabi ko si Reverie hinahamon ka ng one on one interview," pag-uulit nito kay Athena, "Ano ba 'yang tinitignan mo at tulalang-tulala ka r'yan, Ate?"


"Ah . . . 'Yan din ang tinignan ko, napaisip kasi ako kung pumayag kaya ako?"


"What? Nag-iisip ka ba, Ate? Sigurado ako maraming kukuyog sa 'yong mga supporters no'n, baka hindi ka pa nakarating sa interview buta-butas na tagiliran mo!" hindi pagsang-ayon ni Eleaquinn sa naiisip ni Athena. "Huwag na. Dito ka na lang muna sa dorm ko. Tignan mo nga may mga sugat ka pa galing sa mga walang utak na supporter no'ng Reverie na 'yon!" sermon pa nito.


"Akala ko ba dapat bigyan na natin ng leksiyon 'yon? Bakit ngayon parang ayaw mo na?" pakikipag-argumento ni Athena.


"Oo nga. Pero biglaan talaga? What if ipahiya ka lang no'n sa harap ng media? Oh, ano? What if gamitin niya si kuya laban sa 'yo? Anong magagawa mo? Iiyak?" sunod-sunod na tanong nito. Natahimik naman si Athena habang iniisip ang sinabi ni Eleaquinn.


"Hayaan na natin siya kung ano gusto niyang gawin, basta magpapakatotoo lang ako," katwiran naman niya rito.


"Paano kung 'di sila maniwala? Knowing Reverie, baka nga bayaran niya 'yong host para gisahin ka ro'n, e!"


"Hindi na natin hawak mga pag-iisip ng mga tao ngayon. Ang mahalaga ay magpapakatotoo lang ako, at tanging totoo lang ang sasabihin ko. Lilinisin ko lang pangalan ko, after no'n manahimik na ako."


"Sigurado ka na ba?" pagtitiyak ni Eleaquinn.


"Yep!"


"Ikaw bahala, sasamahan na lang kita kasi kilala ko 'yong babaeng 'yon. May gagawin iyon laban sa 'yo kaya mabuti na ang may kasama ka," dagdag pa nito na tila siguradong-sigurado sa sinasabi niya.


"Sabi nga nila, never interrupt your enemy when she is making a mistake. Tama naman 'yon pero may kulang . . ."


Kumunot ang noo ni Eleaquinn sa sinabi ni Athena na pinagtaka niya. "What do you mean?"


"Hindi ko siya patitigilin, tutulungan ko pa siyang dagdagan ang mga wrongdoings niya," paliwanag ni Athena na natahimik lang si Eleaquinn dahil naguguluhan pa rin siya sa sinasabi nito.


Gumawa ng video si Athena para iparating kay Reverie na tinatanggap niya ang hamon nito na makipag-one-versus-one interview sa kaniya.


"Post ko na 'to, ah?" tanong ni Eleaquinn na siyang gumagamit ng Twitter account ni Athena para mag-post.


"Teka lang, panoorin muna natin bago mo i-post," pigil ni Athena rito, sumunod naman si Eleaquinn at mabilis na pl-in-ay ang video.


"Hello, Reverie. Ako 'to si Athena, tinatanggap ko ang hamon mo na makipag-one-versus-one interview sa 'yo. Sabihin mo lang kung kailan, saan, at anong oras, asahan mong darating ako. See yah!" iyon ang sinabi ni Athena sa video. Nang-iinsulto niya pang sinabi ang 'see yah' na akala mo ay excited na excited siyang makipagkita rito. Nahagip pa sa dulo ng video ang pag-irap niya bago ito nag-end, hinayaan na lang nila iyon at hindi na nila inalis ang part na iyon sa video.


Countless Nights with Mayor | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon