CHAPTER 2

93 5 0
                                    


Napalingon ako kay lola na gising na pala. Pinahid ko ang luha ko at ngumiti kay lola.

"Tara na la, kakain na" saad ko at isinalin ang lugaw na binili ko.


Kumuha ako ng lugaw at hinipan bago isubo kay lola. Umungol lang ito at iniwasan ang pagkain. Panay ang pag ungol niya at nagsimula na rin umiyak. Pinakiramdaman ko si lola at tinignan ko ang kabuohan niya para malaman kung anong mali.


Maya-maya pa ay napansin ko ang pagkat ng basa sa salawal nito. Tinignan ko si lola at pinahiran ang mga luha nito. Ngumiti ako sa kanya at tumango.


"Okay lang yan lola Flora, ako na po bahala" saad ko at nagsimulang ligpitin ang pagkain at itinabi.


Kumuha ako ng maliit planggana at naglagay ng maligamgam na tubig. Kumuha rin ako ng bimpo pamunas sa kanya. Isa-isa kong inalis lahat ng suot niya at pinunasan buong katawan niya. Hindi na kasi ako nakabili pa ng diaper ni lola kasi sakto lang pera ko kanina. Natapon pa yung mga gamot na nabili ko.


Pinunasan ko buong katawan ni lola at pagkatapos ay binihisan na rin siya. Binuhat ko siya paupo at nilagyan ng dalawang patong na unan ang likuran niya para medyo nakaangat siya.


"Okay na la, kakain na tayo" saad ko.

"Iinitin ko saglit ha, lumamig na lugaw mo la eh" saad ko at pumunta sa kusina para initin ang lugaw.


Napatitig ako sa ibabaw ng mesa kung saan nakalagay ang mga gamot na natapon kanina. Nagpakawala ako ng hangin at pina-hinaan ang apoy ng ini-init ko saka lumabas.Nahihiya man pero kakapalan ko lalo mukha ko.


"Tao po" saad ko sa harap ng tindahan ni ate Nerry.

"Ikaw nanaman! Wala! Wala kang mahihiram sa akin!" masungit na saad ni ate Nerry.

"Ate Nerry babayaran ko rin po sa katapusan" saad ko.

"Katapusan nanaman, Sophia. Eh ayan din sinabi mo noon, pero ano? Naipon lahat ng utang mo. Hindi ka pa nga nagbabayad ng upa eh!" saad nito.

"Alis! Naiimbyerna ako sa'yo!" saad nito at nagsimula nanaman umingay ang mga bubuyog na nakatingin sa amin.


Lantang-lanta akong bumalik sa bahay at pinatay ang iniinit ko saka muling sinalin sa bowl. Bumalik ako sa kwarto ni lola at pinakain siya. Pagtapos ko pakainin si lola ay naligo ako. After ko maligo ay nag linis ako buong bahay at naglaba.


Napaupo ako sa pagod at napatitig sa phone ko. Inopen ko 'yon at bumungad ang picture namin ni Hera sa wallpaper ko. Hindi na ako nagdalawang isip na tawagan ito at sinagot niya naman agad.


"Bes! Napatawag ka?" masiglang bati nito mula sa kabilang linya. Napangiti ako at biglang nakaramdam ng hiya. Sino ang hindi mahihiya kung tumawag lang ako para mangutang sa kanya? Wala na ako iba pang malapitan kundi siya na lang. Marami na naitulong si Hera sa akin kaya grabe pasasalamat ko sa kanya.

"Bes kasi, may extra ka ba diyan? Pautang sana, wala na kasi gamot si lola" saad ko.

"Sige bes! Ngayon mo ba kailangan?" tanong nito.

"Oo sana eh. Hayaan mo bes, babayaran ko pagkasahod ko" saad ko.

"Nako! Wag na, parang hindi tayo magkaibigan ha" saad nito.

"Hindi na, babayaran ko na lang. Palagi mo kasi ako tinutulungan, sobra-sobra na bes" saad ko.

"Okay lang ano ka ba! That's what friends are for no!" saad nito.

"Ipadala ko na now, Sophia. Bibisita ako kapag free ako. Namiss na kita eh" saad nito.


Nagpaalam na kaming dalawa sa isa't isa at nagready ako para lumabas. Sinilip ko pa saglit si lola at pinalitan ang position ni lola bago lumabas. Every 2 hours ko siya nililipat-lipat ng higa para hindi magka bedsores at maayos blood flow niya.


Pagtapos ko kunin ang pera ay dumaan ako sa bakery para bumili tinapay pang meryenda nila Lucas at Scarlet pag uwi nila. Sakto at mga alas dos ay pauwi na sila. Bumili na rin ako ng diaper ni lola para kung sakaling sila Scarlet ang maiwan sa bahay ay madali nilang malilinis yung dumi at papalitan na lang ng panibago.


Namalengke na rin ako saglit para may maulam kami mamayang gabi at bukas ng umaga. After ko mabili lahat ng kailangan ko ay uumuwi na rin ako. Sakto lang sa pag uwi ko ay nandon na rin ang dalawa kong kapatid.


"Ate look oh, may four ako na stars sa arm ko. Nilagay ni teacher kasi nag r-recite ako" proud na sabi ng kapatid ko at pinakita ang apat na star sa kama nito.

"Wow naman, very good ang bunso namin ah. Sige na mag meryenda na kayo" saad ko.

"Ate"

Napalingon ako kay Lucas na nakayuko at inabot sa akin ang papel. Binasa ko ito at ngumiti bago ibinalik kay Lucas. Ginulo ko ang buhok nito at tumango.


"Talaga ate?" natutuwang tanong nito.

"Oo naman. Kailan ba ako humindi sa inyo?" tanong ko. Niyakap ako ni Lucas at panay thank you saka sinamahan si Scarlet na mag meryenda.


Nawala ang ngiti ko nang tumalikod ako sa kanila. Inanyahahan si Lucas na makilahok sa basketball sa school nila. Panigurado may mga gastusin din doon. Gaya na lang ng sapatos at susuotin niya sa training nila. Pero gusto naman ng kapatid ko. Ayaw ko naman ipagkait sa kanya yung hilig niya. Hahanap uli siguro ng isa pang trabaho para sa lahat ng gastusin.


Pag gising ko kanina ay inasikaso ko ang pagpasok nila Lucas at Scarlet. Inasikaso ko rin si lola at tapos na ako makapag luto para pag uwi nung dalawa ay may makakain sila. Lalo na at madaling araw pa ang uwi ko. Nag paalam kasi ako sa manager ko na mag leave ako kahapon kasi sumakit ng sobra kina-gabihan yung balakang ko. Hindi ako nakapasok kahapon kaya naasikaso ko sila ng maigi. Ngayon ay papasok nanaman ako sa trabaho ko. Hapon naman pasok ko lagi kaya may time pa rin ako sa umaga.


Pag pasok ko sa loob ng club ay binati ako ng co workers ko. Nginitian ko silang lahat at nagbihis sa loob ng uniform. Pag labas ko ay tamang tunganga lang dahil maaga pa masyado kaya kakaunti palang ang customer namin. Usually dinadagsa kami pag gabi na talaga.


"Hera, asikasuhin mo yung bagong dating na customer" saad ng katrabaho ko kaya nilapitan ko yung bagong dating at inabot ang menu. Sinulat ko lahat ng order niya at inabot sa counter.

"Ako na mag serve" saad ng isa pang katrabaho namin kaya umupo ulit ako. Iidlip na muna siguro ako habang wala pa gaanong customer. Sobrang pagod ako at hindi rin nakatulog ng maayos dahil sa pag iisip ko ng kung ano-ano. Nag apply rin ako sa coffee shop. Bali tatlo na ang work ko. 6pm hanggang 12am dito sa Club tapo 1am hanggang 4am sa convinient store. Yung coffee shop na pinag applyan ko sana pumayag sa request ko na 5am hanggang 9am ako. ayon lang naman ang schedule na libre ako.



Thanks for reading.




"𝑺𝒕𝒂𝒚 𝒍𝒐𝒘 𝒌𝒆𝒚. 𝑵𝒐𝒕 𝒆𝒗𝒆𝒓𝒚𝒐𝒏𝒆 𝒏𝒆𝒆𝒅𝒔 𝒕𝒐 𝒌𝒏𝒐𝒘 𝒆𝒗𝒆𝒓𝒚𝒕𝒉𝒊𝒏𝒈 𝒂𝒃𝒐𝒖𝒕 𝒚𝒐𝒖."

- 𝓜𝓻𝔂𝓸𝓼𝓸𝔀

Follow Your Heartbeat (Completed)Where stories live. Discover now