CHAPTER 15

144 19 1
                                    

3 days later



Nagising ako dahil sa ingay ng bahay. Tumayo ako at napatingin sa orasan. Alas dos pa lang ng hapon pero ang ingay na. Lumabas ako ng kwarto at naabutan ko si Lucas na naglalaro ng bola. Si Scarlet ay buhat ni... Henrich?



"Ano ginagawa mo rito?" tanong ko.

"Maniningil ng bayad" saad nito na ikina-irap ko.

"Ate pwede kami sama kay master rich?" tanong ni Scarlet.

"Henrich kung ano tinuturo mo sa mga kapatid ko" inis na saad ko. Bumaba si Scarlet sa pagkakabuhat sa kanya ni Henrich at lumapit sa akin.

"Aalis kami ate. Hatid mo kami ni kuya Lucas" saad nito at hinila ako palabas.

"Teka si lola" saad ko.

"Natutulog po. Ikaw babantay kay lola, please ate. Sama kami kay master" saad ni Scarlet. Tinignan ko si Henrich na nakasandal sa pinto habang ang mga braso ay nakahalukipkip.

"I-uwi mo rin sila. Wag papagabi" saad ko. Tumango lang ito at naunang lumabas ng bahay hawak si Lucas.



Nagtatalon na hinila ako ni Scarlet palabas para ihatid daw sila palabas sa iskinita. As usual nag simula nanaman mag bulungan ang mga chismosang kapitbahay. Hindi ko na lang sila pinansin at hinatid sa kanto. Napatingin ako kay Lucas nang tumawa ito ng malakas. May pinag uusapan ata sila ni Henrich. Nagbubulungan sila at nag fist bump.



Nang marating namin ang kanto ay binukas ni Henrich ang pamilyar na pulang kotse. Kunot noo ko siyang tinignan pero ngumisi ito sa akin. Pinasok niya sa loob sila Scarlet at Lucas saka pumwesto sa driver's seat. Hindi maalis ang tingin ko sa sasakyan nito na kagayang-kagaya sa sumusunod sa akin nakaraan. Sinusundan niya ba ako? Napailing na lang ako nang makaalis ang mga ito. Bumalik ako sa bahay at inasikaso si lola.




Napatayo ako nang marinig ko ang tawa ni Scarlet at Lucas. Napatingin ako sa oras at alas siyete na ng gabi. Nakaluto na ako ng ulam para sa dinner at naunang pakainin si lola. Ako ay hindi pa kumakain dahil hinihintay ko sila.



Pag labas ko ay galit kong tinignan si Henrich na tumatawa habang buhat-buhat si Scarlet. May hawak itong malaking manika habang si Lucas ay may mga bitbit na maraming plastik at paper bag.



"Bakit ang tagal niyo? Diba sabi ko wag gagabihin?" tanong ko.

"Hindi ka lang naisama eh" saad ni Henrich at ibinaba si Scarlet. Lumapit si Scarlet sa akin at pinakita ang new doll niya. Si Lucas naman ay binuksan ang box at tumambad sa kanya ang bagong sapatos.

"Mag-usap tayo" saad ko at hinila si Henrich palabas ng bahay.



Madilim na at kakaunti na lang tao. Hinarap ko si Henrich na nakakunot ang noo. Inayos nito ang buhok niya na nagulo dahil sa lakas ng hangin. Kinuha nito ang kamay ko at may inabot sa akin.



"Ano 'to?" tanong ko at binuklat ang papel na binigay niya. Resibo ito at lahat ng nagastos nito ay umabot sa pitong libo.

Follow Your Heartbeat (Completed)Where stories live. Discover now