CHAPTER 57

114 6 3
                                    

Sophia's POV 


Narito ako sa hospital at galit ang lahat sa akin. Nahuli ang bumangga sa amin nila Henrich at Dyn. Ang nangyaring iyon ay pakana ng mom ni Gael. Si Kathleen ay galit na galit sa akin maging sila Lucas.


"Kasalanan mo! Sinaktan mo na ang kuya ko, inabot mo pa siya sa ganitong sitwasyon!" saad ni Kathleen habang si Lucas ay inaawat ito.

"Ang bait ng kuya ko sa'yo! Inalagaan ka niya! Binigay niya ang lahat sa'yo tapos ito ang igaganti mo!" sigaw nito habang umiiyak.

"Ngayon alam ko na kung bakit kinasusuklaman ka ng mga kapatid mo. Naturingan kang isang doktor pero hindi ka nag iisip! Dinamay mo pati ang kuya ko!" sigaw nito sa akin.

"Kathleen!" saway ng mom ni Dyn at Kathleen. Patuloy ang pag iyak ni Kathleen hanggang sa unti-unti siyang nawalan ng malay sa kamay ni Lucas.


Lumapit sa akin ang mom ni Dyn na umiiyak at yumakap sa akin kaya mas lalo akong nakaramdam ng lungkot.


"It's okay honey, hindi mo kasalanan" saad nito at hinaplos ang buhok ko.


Maya-maya pa ay dumating na sila Yasmin at Hera nang mabalitaan nila ang pagka wala ni Dyn. Lahat sila ay malungkot na nakatingin sa katawang naka takip ng puting kumot.


"I'm sorry" malungkot na saad ni Gael.

"Kasalanan ng mom ko ang lahat. Ako ang humihingi ng tawad sa ginawa ng mom ko" saad ni Gael habang nakatingin sa katawan ni Dyn.


Nakaramdam ako ng panghihina dahil sa pagod kakaiyak at hindi maproseso ng utak ko ang lahat ng nangyayari. Nag tama ang tingin namin ni Monique at maliit itong ngumiti sa akin bago ako tuluyang mawalan ng malay.



Monique's POV 


Malungkot akong tumingin sa magulang ni Dyn na nakaalalay kay Sophia. Nang makita ako ng dad ni Dyn ay malungkot itong lumapit sa akin.


"Tito" saad ko.

"Susunod po si Helena. Papunta na po siya" saad ko.

'IT'S ALL HER FAULT!' sigaw ni Gabriel habang tinuturo si Sophia na walang malay.



Lahat ay nagkakagulo at parami na nang parami ang mga nagpupunta sa hospital nang mabalitaan ang patungkol kay Dyn.



Nagpatulong ako sa iba para buhatin si Sophia. I checked her vital signs at mababa ang Bp nito. Ang pag hinga niya ay mabilis kumpara sa normal. Nabigla siguro siya sa lahat ng nangyari. Wala akong alam kung paano sila napadpad sa sitwasyon na iyon, kung nakinig lang si Sophia sa akin noon. Hindi mangyayari ito sa kanila.



Lumabas ako ng room ni Sophia kung at bumungad si Gael na nakaharap sa kanila. Malungkot ito at may balot ng hiya sa dami ng nasa harapan niya habang sinasabi ang totoong nangyare.



'Naroon ako nang mangyari iyon. I followed my mom noong marinig ko ang balak nito. Magkasama si Henrich and Sophia that time' pagkukwento nito.

Follow Your Heartbeat (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon