CHAPTER 18

136 18 1
                                    

Sophia's POV



Kagagaling ko lang sa coffee shop at nandito ako ngayon sa bahay ni Henrich. Kagaya ng napag usapan namin na ako ang magluluto at maglilinis ng bahay niya ay ginawa ko ito saktong pagdating ko sa bahay niya. Andito rin si lola sa bahay niya dahil kinuha ito ni Henrich. Wala kasi magbabantay sa kanya sa bahay.



"Tapos mo na?" tanong ni Henrich na kakababa lang.

"Kanina pa" saad ko. Umupo ito sa hapag at sinimulan niyang lantakan ang pagkain na niluto ko.

"Ah, Henrich pwede makiluto ako sa bahay mo? Hassle kasi kung uuwi ako galing dito tapos mag prepare pa" saad ko.

"Magluto ka lang diyan" saad nito.



Inantay ko matapos si Henrich na kumain saka hinugasan ang mga pinagkainan nito. Sinimulan ko ang pagluluto ng mga handa ni Scarlet. Birthday niya kasi ngayon kaya kahit sana kaunti ay nag handa ako.



Pabalik-balik ako kay lola at sa niluluto ko kailangan palit-palitan ang position ni lola sa pag higa. Si Henrich naman ay busy sa pag tipa sa laptop nito. Seryoso ang mukha at nakasuot salamin sa mata.



Ipinagpatuloy ko ang pagluluto ko hanggang sa matapos ko ang lahat. Tumayo si Henrich at naginat saka pumunta sa pwesto ko.



"Ano meron? Dami mo niluto ah" saad nito.

"Birthday ni Scarlet. Mag celebrate kami mamaya, kahit kaunti lang handa" saad ko.

"Bakit di mo sinabi? Birthday ni Scarlet tapos ayan lang ibibigay mo?" saad ni Henrich.

"Ito lang kinaya eh. Si Scarlet maiintindihan niya naman kung hindi magarbo yung birthday celebration niya." saad ko.

"Gusto mo dito kayo mag celebrate? Bibili ako mga pang design" suhestiyon ni Henrich.

"Hindi na, nakakahiya palaging ikaw" saad ko.

"Iba naman ngayon. Kay Scarlet naman, hindi sa'yo" masungit na saad nito at umakyat.



Pagbaba nito ay nakabihis pang alis at pinapaikot nito sa daliri niya ang mga susi. Tumingin siya sa akin at itinaas ang middle finger bago lumabas. San punta ng isip bata na 'yon?



Sinundan ko ito palabas at naka pamaywang na tinignan siyang nasusuot ng helmet.



"San ka punta?" tanong ko.

"To the M--"hindi natuloy ni Henrich ang sasabihin niya ng sumingit ako.

"Sige subukan mo ituloy yan. Sawang-sawa na tenga ko diyan" saad ko.

"To the Mall" saad nito.

"Wag ka uuwi nang di ako nakakabalik" saad nito bago pinatakbo ng mabilis ang motor.



Bumalik ako sa loob ng bahay at umupo sa hapag. Tulala ako habang iniisip kung bakit nagbago pakikitungo ni Henrich sa akin. Nandon pa rin yung ugali niyang mayabang, isip bata at maarte pero parang bumabait siya. Hindi niya na ako pinapahiya gaya noon.

Follow Your Heartbeat (Completed)Where stories live. Discover now