CHAPTER 53

86 5 0
                                    

Mabilis na lumipas ang araw at kasal na ni Hera. Kaming mga kaibigan niya na babae ay bridesmaid. Maganda ang kasal nila kaso hindi sila sa simbahan. Mas pinili ni Hera na sa beach sila ikasal.

Kumapit ako sa braso ni Dyn saka naglakad sa gitna papunta sa harapan. After ay naghiwalay kami at umupo sa kanya-kanyang upuan. Magkahiwalay ang babae sa lalaki. Ang babae ay nasa kaliwa nakaupo samantala ang mga lalaki ay nasa kanan. Sa bandang dulo ang mga bisita na.
Pinanood ko ang iba na naglalakad papunta sa harap hanggang sa maubos ang lahat at ang pinakahuli ay ang bride.

"So pretty talaga!" saad ni Yasmin sa tabi ko at parehas kami nakatingin kay Hera na dahan-dahan naglalakad habang hinahatid siya ni tito.

Nagtama ang paningin namin ni Dyn at binigyan namin ng ngiti ang bawa't isa saka muling ibinaling ang tingin kay Hera.

Dyn helped me these past few weeks na ilipat ang nga gamit sa bahay na binigay ni Dyn para kila lola Flora at nila Lucas. Sabi niya ay hanggat hindi pa ako nakakaipon ay pwede kaming mag stay sa kanya. Sa ngayon ay nag stay ako kay Dyn kung saan malapit sa hospital na pinapasukan ko.

Lahat kami ay nakatutok kay Hera nang ilahad ng papa nito ang kanyang anak kay Marco. Pilit ding pinipigilan ni Marco ang pagluha habang titig na titig kay Hera.

I hope ako rin. Paano kaya kung hindi kami nagkalayo? Ganyan din kaya kami? Pano kung hindi siya nawala? Hahantong din ba kami sa ganito? Sana nga...

Sobrang swere nila Marco at Hera sa isa't isa dahil walang humadlang sa pagmamahalan nilang dalawa. Years passed and their love remains...siguro, ako rin. My love for Henrich never fades. I still love him kahit pa hindi ko na siya nakakasama ng ilang taon.

Hawak ni Marco si Hera palapit sa harap ng altar. Patuloy lang ang daloy ng kasal hanggang sa tuluyan na silang maging husband and wife. Saksi kaming lahat na narito sa pagmamahalan nilang dalawa at alam ko may mga pinagdaanan din sila Hera.

"Sis wag na mag cry" rinig kong saad ni Yasmin sa gilid ko at inabutan ako ng panyo.

"Masaya lang ako para sa kanila" saad ko at ngumiti. Hindi ko mapigilang mainggit sa kanila. Sana kami rin.

Ilang minuto pa ang lumipas at natapos na rin ang kasal. Nag tipon ang lahat at ng kababaihan at nagsimulang bumilang si Hera para saluhin ang bulaklak. Lahat sila ay nakaabang at excited na makuha ang bulaklak.

"Isa"

"Dalawa"

"Tatlo!"

Sigaw ni Hera at hinagis ang bulaklak. Lahat kami ay natawa nang umilag si Yasmin at binato ang bulaklak nang mapunta ito sa kanya.

"I'm too young kaya. Tsaka we're not ready pa ni Brylle. Right hon?" saad ni Yasmin at lumapit kay Beylle na nakabusangot.

Lahat kami ay nagtawanan at kanya-kanyang punta sa reception. Pinunasan ko rin ang pawis ni Scarlet nang makasakay kami sa sasakyan pahatid sa reception. Tahimik lang ako sa buong biyahe hanggang sa makaratung kami sa place.



Pagkarating namin ay maraming tao na ang naroon na naghihintay sa amin at sa bride saka groom. Umupo kami sa pwesto na naka reserve para sa amin.

"Okay ka lang?" tanong ni Dyn sa akin.

"Oo" simpleng sagot ko at ngumiti. Hindi ko pamigilang mapahawak sa kwintas ko na gift ni Henrich sa akin noon. Ginawa kong pendant ang promise ring na ibibigay niya sana sa akin.

Lahat kami ay lumapit para mag picture. Binati rin namin sila Hera at nagkwentohan saglit. Andito si Monique at pansin ko ang panay pag sulyap nito kay Dyn at sumunod ay susulyap naman sa akin. Hindi ko alam kung may gusto ba siyang sabihin sa akin or kay Dyn.

Follow Your Heartbeat (Completed)Where stories live. Discover now