CHAPTER 56

94 7 3
                                    

Gael's POV

"Bro, calm down. Saka ka magalit pag nilandi ko baby mo" pang aasar ko.

"Paano ako kakalma kung sinisira mo lahat ng plano ko! Ang sabi ko ay bantayan mo lang siya at h'wag hahayaan na ma involve sa gulong 'to!" inis na saad nito at frustrated na tinabig ang vase dahilan para mabasag ito.

"Hindi ka ba nakokonsensya sa ginagawa mo?" tanong ko sa kanya pero tinignan lang niya ako.

"She's still waiting for you" saad ko at nilahad sa kanya ang phone ko. Nag play ang video at pinanood niya iyon. Nakatingin siya sa phone at patuloy na pinapanood ang video hanggang sa matapos.

"May iba na siya" saad nito at tumalikod.

"Wala na sila. Yasmin and Hera forced her to date Dyn" saad ko.

"Pero iba ang nakikita ko, Gael. I know she loves Dyn. Kitang-kita ng dalawang mata ko kung gaano siya kasaya na kasama 'yon!" saad nito.

"Henrich, wake up! Hindi mo ba nakikita effort ni Sophia para sa'yo. Hindi mo nakikita lahat pero ako kitang-kita ko. Palagi niya pinupuntahan mga lugar na madalas niyong puntahan noon kahit sila na ni Dyn!" saad ko.

"Habang buhay ka na lang bang magtatago sa anino ng kambal mo? Naduduwag ka na?" natatawang saad ko.

"Ahh...ayaw mo na kay Sophia. Akin na lang" pang aasar ko at tumawa para mas mainis ito.



Magsasalita pa sana ako pero naramdaman ko ang malakas na suntok nito sa panga ko. Napahawak ako sa mukha ko at muling humarap kay Henrich saka tumawa uli.



"Oh, bakit sinapak mo'ko? Sakto dati ko pa siya gusto" pagsisinungaling ko.

"Alam mo, ikaw ang pinaka mahina na nakilala ko. Binigyan ka pa ng pagkakataon. Anong gusto mo? Tuluyang mawala si Sophia sa'yo?" naiiling na saad ko.

"Umalis ka na!" galit na saad ni Henrich pero ngumisi lang ako sa kanya. Sarap talaga inisin ng gagong 'to.



Muli ko siyang tinitigan at ngumisi saka lumabas ng opisina nito. Pag labas ko ay sumalubong sa akin si tito. Yumuko ako tanda ng paggalang at saka umalis na.


Henrich's POV 



Napapikit ako sa inis nang makalabas si Gael. Yes, buhay ako at lahat ng impormasyon na pinakalat na patay na ako ay hindi totoo. Wala kaming ibang choice ni dad kundi gawin iyon dahil buhay naming lahat ang nakasalalay. Mabuti na lang at nasa side namin si Gael kahit na maloko siyang tao.



Nagsimula ito nang malaman namin ang plano ng mom ni Gael. Ang buong pamilya sa side nila ay balak pabagsakin si dad pati na rin ako para sa kanila mapunta ang lahat ng pag aari namin.



Hindi man ako sang ayon noon ay wala pa rin akong magagawa kundi gamitin ang kakambal ko na si Alexander para mag panggap bilang ako.



Akala ko madali namin sila mapapa bagsak pero ilang taon  na lang ang lumipas at hindi pa rin kami nakakagawa ng paraan para mapabagsak sila. Nangako ako sa sarili ko na kapag natapos ang lahat ay hahanapin ko si Sophia.



Until I saw her again, sa hospital. Gustong-gusto ko siya lapitan pero hindi ko magawa dahil alam kong may nakabantay. Ayaw ko rin siyang madamay sa gulong meron ang pamilya namin. Ginawa ko ang lahat para makapag tago sa kanya...sa kanila.



Sumuko ako nang makita ko rin siyang may kasamang iba and na confirm ko mula kay Gael na may bagong minamahal si Sophia at iyon ay si Dyn. Isang beses ay sinubukan kong sumama kay Gael na sundan si Sophia at nakita ko sila ni Dyn na mukhang masaya.



Follow Your Heartbeat (Completed)Where stories live. Discover now