CHAPTER 37

114 10 5
                                    

Narito ako sa Hospital Information System at nanginginig ang kamay ko habang hinahanap ang mga record noong nakaraang taon. Ang sinabi sa akin ni Yasmin ay noong July 30 naoperahan si Henrich. Isa-isa ko chineck ang mga files na may mga mark na year. Nangatal ang labi ko nang i-angat ko ang isa na may petsa kung kailan naganap ang operasyon ni Henrich.



Kinuhanan ko ng litrato ang lahat at hinanap ang informations sa nakatanggap ng puso ni Henrich. Hindi ko mapigilan maging emosyonal habang tinitignan isa-isa ang record ni Henrich.



"Sophia?"



Napaharap ako at bumungad sa akin si Monique na nakakunot ang noo. Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang lumapit ito at kinuha ang record ni Henrich sa kamay ko.



"Anong ginagawa mo rito?!" inis na tanong nito.

"M-Moniq--"

"Alam mo ba na pwede ka mapahamak sa ginagawa mo? Kumukuha ka ng impormasyon palihim" saad nito.



Binuklat niya ang record ni Henrich at tinignan ang mga 'yon. Agad nawala ang pagkakakunot ng noo niya nang makita ang nilalaman ng record.



"Wala akong ibang choice. Gusto ko malaman ang lahat" saad ko at napaupo sapo ang mukha ko.



Iniangat ko ang ulo ko nang marinig ang takong ni Monique. Ibinalik niya ang record ni Henrich at hinila ako palabas. Patuloy lang siya sa pag hila sa akin hanggang sa makarating kami sa office nito. Umupo si Monique sa swivel chair niya samantala ako ay nanatiling nakatayo.



"Sophia sana sinabihan mo na lang ako. Kung iba ang nakakita sa'yo baka mapano ka" saad ni Monique.

"Gusto ko lang makita yung kay Henri--"

"Sophia nag aral ka naman ng medisina. Kung ano ang problema sa buhay, wag mo dadalhin sa trabaho. Mga buhay rin hawak natin dito sa hospital. Set aside mo naman yang emosyon mo. Maging professional ka naman" pagputol nito sa sasabihin ko.

"Sorry" saad ko at pareho kami natahimik.

"Siya ba yung bf mo na naiwan dito?" biglang tanong nito at tumango ako.

"I know him" saad nito.



Umangat ang tingin ko kay Monique at nagtama ang mga mata naming dalawa. Si Monique yung klase ng tao na professional sa mga ginagawa niya. Straight forward din siya kung mag salita at siya yung tipo na kaibigan na hindi ka hahayaang mapasama.



"Ako ang surgeon that time" saad nito.



Bumilis ang tibok ng dibdib ko at lumapit sa kanya. Hinawakan ko ang manggas ng lab gown niya at tinignan siya ng makahulugan. Alam kong alam niya na gusto kong malaman ang nangyare nung araw na 'yon.

Follow Your Heartbeat (Completed)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum