EPILOGUE

193 5 2
                                    

Sophia's POV

Magkahawak kamay kaming naglalakad ni Henrich at parehas na may ngiti sa labi. Hanggang ngayon ay sariwa pa ang trahendyang naganap sa amin at kahit papano ay unti-unti na rin namin tinatanggap.


Inilapag ko ang bulaklak at si Henrich ay sinindihan ang kandila saka inilagay sa tabi ng lapida. Isang taon na. Isang taon na ang nakalipas nang mangyari ang tradhedyang iyon at laking pasasalamat namin sa kanya ni Henrich.


Umupo kaming dalawa at humarap sa frame ni Dyn at nag simulang magsalita si Henrich. Ngayon lang kami nakadalaw dahil noong nakaraang taon ay galit silang lahat sa akin kaya ang sabi ni Henrich ay pahupain na muna ang galit ng mga tao. Ako ang sinisisi nila sa pagka wala ni Dyn pero si Monique. Naging maayos kami pero hindi na gaya ng dati. Nalaman ko rin na pinsan ni Monique yung ex ni Dyn noon.


Si Gabriel ay kinausap din ako. Lahat ng ginawa ni Dyn para sa akin ay sinabi niya rin. Maging ang ginawa nitong palihim na pag tulong sa akin sa pagpapagawa ng bahay at pag benta niya ng sasakyan niya. Galit sa akin si Gabriel at ang dalawa pang kaibigan ni Dyn na Architect at Engineer pero ipinag patuloy pa rin nila dahil alam nilang ayon ang gustong mangyari ni Dyn. I tried to convince them na ibigay sa parents ni Dyn ang lahat pero hindi rin pumayag ang mga ito.


Lahat ay galit maliban sa mga kaibigan ko at mom ni Dyn. Naiintindihan daw ng mom ni Dyn ang lahat at alam niyang masaya na rin si Dyn sa kabilang buhay.


"Thank you" saad ni Henrich sa lapida ni Dyn.


Hindi ko maiwasang malungkot dahil sa nangyari. Nakokonsensya ako na nadamay si Dyn sa lahat. Palaging siya ang tumutulong sa akin samantala ako ay puro pasakit ang binibigay ko sa kanya. Sana noon pa ay nakinig ako kay Monique.


Ilang buwan ang ginugol bago matuluyang ikulong ang mom ni Gael dahil dumaan pa sa korte. Akala ko nga noong mismong araw na sinagasaan kami ay nakulong na ito pero kumuha pala ito ng abogado. Ang huli ay kami pa rin ang nanalo dahil maraming proof ang nailabas.


"Mabait yan. Kung naipakilala kita baka maging magkasundo kayo" saad ko kay Henrich.

"Hinalikan ka?" tanong ni Henrich na ikinatahimik ko. Nag iwas ako ng tingin at sinusubukang ibahin ang usapan pero hindi ko ito malito.

"Edi naghalikan nga kayo" saad ni Henrich.

"Kasi akala ko ano eh" saad ko at nangangapa ng sasabihin.

"Ganon pa rin 'yon" saad nito.

"Baby, sige ka multohin ka niyan. Mabait si Dyn and akala ko before magiging okay kung susubukan kong kumawala sa nakaraan. Akala ko magiging maayos ang lahat kapag binuksan ko uli ang puso ko" paliwanag ko.

"Akala ko kasi wala ka na eh" dagdag ko pa.

"Iniwan mo rin naman ako pero hindi ako nag hanap ng iba" saad ni Henrich at tumayo saka umalis.

"Baby, wait!" saad ko at muling nilingon ang lapida ni Dyn.

"Dyn. I'm sorry sa lahat ng pagkukulang ko. Mahal kita, pero hanggang kaibigan lang" saad ko.

"Mauna na kami. Sana mapatawad mo ako sa lahat ng pagkakamali ko" dagdag ko pa at saka dali-daling hinabol si Henrich.


Follow Your Heartbeat (Completed)Where stories live. Discover now