CHAPTER 4

199 17 0
                                    

Nandito ako ngayon sa convinient store na pinag tatrabaho-han ko. After ko mag work sa club ay sa convenience store ang next sched ko.


Kahapon pala ay hindi ako tinantanan ni Rosett sa kakaparinig. Kesyo dapat daw inalis na ako kasi wala naman ako nakmitutulong. Buti kanina wala siya kasi off niya.


Kanina bago ako pumasok ay tumawag sa akin yung pinag apply-an ko ng isa pang trabaho sa coffee shop. Pwede na raw ako mag start mamaya. Kaya after ng shift ko dito sa convenience store ay doon ang ako papasok mamaya. Sa totoo niyan may kasama ako kanina pero nauna na siya nagpaalam sa akin dahil kailangan na nito pumasok sa school. Working student yung kasama ko kanina. Pangalan niy raw ay Diana.


Napahinto ako sa pag iisip nang may pumasok na customer. Kumuha ito ng mga chips at soda tsaka pumunta dito sa counter. Nilapag niya ang anim na malalaking chips at limang soda. Tinapat ko sa barcode ang price checker at sinupot lahat ng binili nito.


"344 php po, sir" saad ko at nag abot ito ng 500. I-aabot ko na ang bayad pero tumingin lang ito sa akin sabay tingin sa bandang dibdib ko.

"Keep the change, Ms. Smith" saad nito at ngumiti. Napangiti rin ako ng malaki hindi dahil sa pogi siya. Napangiti ako kasi akin yung malaking sobra.

"Thank you po, sir! Please, come again!" masayang saad ko.

"Sure!" sabi nito bago lumabas.


Tuwang-tuwa na sinuksok ko ang sobra. Tinignan ko ang oras at 4:21am na pala. Bakit kaya ang tagal ng kasunod ko. Dapat kanina pa siya nandito. Hanggang 4am lang kasi ako eh.


Napatitig ako sa labas dahil biglang bumuhos ang malakas na ulan. Pinanood ko lang ito habang hinihintay yung katrabaho ko. Ilang minuto pa ako naghintay at ngayon lang nakarating ang katrabaho ko na si Nika. Basang-basa siya kahit at nagpunas sa katawan gamit bimpo.


"Sophia! Ikaw lang nandito?" tanong nito nang makalapit siya sa akin.

"Ah oo. Si Diana kasi may pasok pa 'yon" saad ko.

"Pagpasensyahan mo na ngayon lang ako nakarating. May emergency kasi" saad nito.

"Ayos lang. Oh pano, mauna na ba ako?" tanong ko.

"Ah sige! Pasensya na naghintay ka ng matagal" saad nito at ngumiti. Halata mo sa mukha ni Nika na may lahi itong Indiana.

"Oh sige na, ako na ang bahala. Mauna ka na, Sophia" saad nito.

"Sige Nika!" saad ko .


Lalabas na sana ako nang maalala kong wala akong dalang payong. Malakas ang ulan kaya hindi ako pwedeng lumusong ng basta.


"Wala ka payong?" tanong ni Nika kaya umiling ako bilang sagot.

"Wala eh" saad ko at nahihiyang ngumiti.

"Hiramin mo na lang ang akin. Titila na rin naman na siguro yan maya-maya" saad nito at ngumiti. Kinuha ko ang payong niya at ngumiti rin sa kanya.

"Salamat" saad ko.

"Bye Sophia, ingat ka!" paalam nito.



Nagmamadali ako sumakay ng jeep papunta sa coffee shop. Yari ako, unang araw ko tapos male-late ako. 4:43am na pero ang pasok ko ay 5am. Sana hindi ako pagalitan.

Follow Your Heartbeat (Completed)Where stories live. Discover now