CHAPTER 32

110 16 5
                                    

3 years passed at masasabi kong okay naman ang kalagayan ko. May mga naging kaibigan ako at nakakasabay na rin ako. Medyo nahirapan lang ako dahil noong 3rd year ko sa kolehiyo ay irregular ako may mga subject ako na need i-take sa 1st year and 2nd year. Sobrang hassle pero nalampasan ko naman.



"Sophia, mahuli ka na sa klase" saad ni tita habang hawak ang phone ko at nakatingin sa oras nito. Nagmamadali ako magbihis dahil nalate ako ng gising sa dami ng inaral ko. Sobrang bait ng amo ko dahil sila gumastos sa books and uniforms na need ko. Sabi nila ay deserve ko naman dahil nagagawa ko pa rin maalagaan si Amelia kahit na nag aaral na ako.



Nagpaalam ako sa mga pinsan ko pati kila tita. Lumapit ako kay lola at humalik sa pisngi niya at nagpaalam. Papalabas na ako ng pinto ngunit napatigil ako.



"Kumain ka muna" saad ni lola. Nilinyon ko si lola pero ngumiti lang ako.

"Sa school na po la, may baon naman po akong pagkain" saad ko at nag paalam.



Yup! Nakakapag salita na ng kaunti si lola. Magaling ang mga doctor na nag asikaso kay lola. Dahil sila Mr and Mrs. Thompson mismo ang nag refer kay lola sa isang surgeon na kakilala nila. Actually doctor pareho ang amo ko kaya walang time para mabantayan gaano si Amelia. Mabuti nga at maintindihin ang anak nila kaya hindi nagtatampo. Gusto rin daw kasi niya maging hero like her mom and dad.



*peeep peeep*

"C'mmon, Sophia! Hop in!" saad ni Monique na biglang pumarada sa harap ng bahay. Gulat ko siyang tinignan pero dali-dali rin akong sumakay.

"Fuck this hangover" saad ni Monique nang makapasok ako at pinalipad ang sasakyan nito.

"Woah! Calm down! Shit!" mura ko nang pabilisin niya pa lalo ang pagtakbo.

"Monique! Slow down!" kinakabahang saad ko.



Baka maging pasyente kami nito imbes na doktor. Ano ba namang kagagahan ng babaeng ito!



"We don't have much time to slow down, Sophia. We're 30 minutes late!" saad nito. Ang iba sa nadadaanan namin ay binubusinahan kami. Reckless driver si Monique, kahit anong sabihin ko sa kanya ay hindi siya nakikinig. Palagi siya ganito mag drive kapag may hinahabol kaming oras.




Nang makarating kami sa university ay tinakbo namin ang elevator para umabot. Dali-dali kaming pumunta sa room at napakunot ang noo naming dalawa nang wala ni isang tao sa loob ng room. Napatingin ako sa wrist watch ko at late naman talaga kami.



"Oh damn! I forgot. Binago natin yung time last night sa phones and watch" saad nito. Napasimangot ako nang maalala ko pinag gagawa namin kagabi. Uminom kami pero hindi ako ganon kasobrang nagpakalasing.



Bagsak ang mga balikat namin na bumaba sa cafeteria para mag agahan. Parehas pala kaming hindi kumain ng agahan.

Follow Your Heartbeat (Completed)Where stories live. Discover now