'Henrich?' tanong ni Yasmin at tumango naman si Gael.

'Wait, what?!' saad ni Yasmin.

'Tinago namin ang lahat. Pinalabas naming wala na si Henrich. Kinausap ako ni Henrich na wag ipaalam sa lahat dahil alam niya na posibleng manganib pati buhay niyo' saad ni Gael.

'Where is he?' tanong ni Hera.

'Nasa kabilang room' saad ni Gael.

'Oh Gosh! If you're lying, I swear hindi talaga kita mapapatawad' saad naman ni Yasmin at nagmamadaling nagtungo sa room na sinabi ni Gael. Ganoon din ang ginawa ng iba pang mga kaibigan nila at nagsi tungo sa room ng sinasabi nilang Henrich.



Kahit ako ay nagugulohan sa kanila. Alam ko na naging pasyente ko ang Henrich na iyon pero paanong buhay siya? Ako mismo ang nag perform sa operating room at kitang-kita ko na wala na si Henrich. How come?




Henrich's POV 


Nagising ako at unti-unti kong iminulat ang mga mata ko. Mula sa malabo hanggang sa palinaw nang palinaw ang paningin ko. Unang bumungad sa akin ay ang puting kisame.



Inilibot ko ang paningin ko sa paligid ang may iba't ibang aparatong nakakonekta sa katawan ko. Muli kong naalala ang lahat ng nangyari kaya napatayo ako.



"A-ah! Shit!" daing ko nang makaramdam ako ng sakit sa braso ko.

"Oh my gosh!" saad ng pamilyar na boses at lumapit ito sa akin.

"K-Kuya Hen?" saad nito at nag sisigaw. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa paligid, may nag iiyakan at ang iba ay natutuwa na nakatingin sa akin. Kahit anong linga ko ay hindi ko pa rin mahanap si Sophia.

"S-Sophia" saad ko at hinanap siya ng mga mata ko.

"Kalma, Hen. Makikita mo rin si Sophia mamaya. Nawalan siya ng malay sa nangyari" saad ni Hera.

"Nasan siya?" tanong ko.

"Nasa kabilang room" saad naman ni Brylle.

"Ikaw ba talaga yan? For real? Or ghost ka?" saad ni Yasmin.



Napapikit ako sa ingay nila at sa wakas ay dumating ang mga nurses para i-check ako. Pinalabas muna ang ilan sa kanila at may kung anong ginawa ang mga nurse at sinusulat nila iyon.



May iilan din na tinanong sa akin na kung ano raw ang pangalan ko at ilang taon na ako. Lahat ay sinagot ko hanggang sa matapos sila at lumabas uli.



Muli kong ipinikit ang mga mata ko dahil sa sakit ng katawan ko. Ang braso ko ay hirap akong igalaw. Isa lang ang alam ko na posibleng may gumawa nito. Ang mom ni Gael. Sa oras na makita ko siya ay sisiguraduhin kong mabubulok siya sa kulungan.



Lahat ay nag paalam sa akin nang sabihan ni Dad ang iba na kailangan namin mag usap. Saktong pag labas ng iba ay siyang pag dating ni Gael na seryoso ang mukha. Yumuko ito nang makita si Dad at muling tumingin si Gael sa akin.

Follow Your Heartbeat (Completed)Where stories live. Discover now