What?!

Napataas ang isa kong kilay sa sinabi niya.

"Sad? why?" tanong ni Shawn

"Dahil napunta ka sa isang mainitin ang ulo na gaya niya" sagot nito

"Nang iinis ka ba talaga?!" inis kong sabi rito

"Sinasabi ko lang ang totoo" kalmadong aniya

"What the hell--" biglang hinawakan ni Ken ang kamay ko.

Tinignan ko ito at nakita ko sa mga mata niya na nakikiusap ito.

"Fine, I'm sorry Ken" kalmadong sabi ko

Ayokong masira ang magandang gabi ni Ken kaya naman tumahimik na lang ako at kumain.

"Nice to meet you again, George" nakangiting ani ni Ken

"You too, Kendra" ngumiti ito

"Let's go, Ken" biglang aya ko rito

"Nice meeting you again, Ibon" aniya na may pang aasar

"Ibon?! Yvonne, not Ibon!" inis kong pagtatama sa kanya

"Okay, Ibon" aniya at muling tumingin kay Ken

Nang aasar talaga siya!

"Free ka ba bukas?" malakas na tanong niya kay Ken.

Kailangan iparinig sa lahat?!

"Yes, always free for you, George" ganon din ang ginawa ni Ken, malakas na boses at malawak na ngiti ang binigay niya rito

"Okay, sunduin kita bukas" ngumiti ito

"Okay, hihintayin kita" nakangiting aniya

"Uhm. See you tomorrow" nakangiting aniya at sabay kindat

Eh?

Kitang kita na namula si Ken "See you"

Tumingin ito sa akin at bigla siyang tumingin kay Shawn "Shawn, drive safely" nakangiting aniya

"Uhm, ingat ka rin, huwag masyadong mabilis ah" nakangiting aniya

"Uhm" aniya

Papasok na sana ako sa kotse nang biglang may pahabol si George "Bye, Ibon" okay na sana kaso may halong pang aasar

Muli akong humarap dito "Yvonne, not Ibon!" pagtatama ko sa kanya

"Whatever" aniya at sumakay na siya sa kanyang motor at sinuot ang helmet

Ohh cool..

Bumisina ito at tuluyan nang umalis.

"Let's go girls?" aya ni Shawn

Ilang minuto kaming tahimik sa kotse at tuluyan na ngang binasag ni Ken ang katahimikan.

"Satingin ko, gusto ko na siya" aniya habang tinitignan niya ang kanilang picture.

"Hindi ko inakala na mas madali ka palang mapapasagot ng isang babae kaysa sa lalaki"

"Kakaiba siya, she's pretty, she's cool, she's nice, she's smart kahit dry siya."

Agad akong lumingon dito"See? ang dry niya diba? nakakaboring"

Ngumiti ito "Dry man pero hindi siya nakakaboring, ang sarap kaya niyang kasama."

"Mukhang tinamaan ka na nga" sabi ko at muling humarap sa harapan.

Biglang nagsalita si Shawn "Ngayon ka lang nag no"

Napatingin kaming pareho ni Ken sa kanya.

"Bakit ka nag no sa kanya?" seryosong tanong niya

"Ahh nothing"

"Why?" tanong niya ulit

"I said, nothing"

"No, why baby?"

"Shawn!" naiinis na ako sa paulit ulit niyang tanong

"Tama nga si George, mainitin ang ulo mo" ngumiti ito

"Stop mentioning her name!"

"Why? ganon mo ba talaga siya kinasusuklaman?"

"Oo nga, ang bait kaya ni George" dagdag ni Ken

"Ewan ko sainyo kung anong nakita niyong mabait sa kanya, mapang asar nga at mang aagaw siya"

"Until now hindi ka pa rin nakakamove on sa nangyari kanina?" Ken

"Paano ako makakamove on, e nakakainis yung mga sagot niya sa akin!"

"Like what?" tanong ni Shawn

"Mabagal daw akong kumuha kaya siya ang nakakuha. See? sinong hindi maiinis?"

"Nainis ka na ron?" sabay tawa si Shawn

"Oo nga, wala naman nakakainis at tama naman siya, nauna siyang nakakuha"

Wow, pinagtatanggol pa talaga nila.

"Sige, ipagtanggol niyo!" at tumingin na lang ako sa labas

"Mabait si George, trust me baby" nakangiting aniya

"Whatever"

At sa wakas ay nakarating na ako sa bahay. Agad akong nagshower at pagkatapos ay naisip kong isearch ang name ni George sa Instagram, hindi mahirap hanapin dahil verified ang account niya.

Tinignan ko ang mga post niya, hindi naman sa stalker, titignan lang naman.

Gusto niya ang mga motor ah, favorite sport niya pala ang volleyball. All around sa pagmomodel ah. Mahilig siya sa mga bata at aso. Marami siyang talent ah, marunong din pala siya mag gitara at piano.
Dalawang oras kong pinagtitignan ang mga post niya at ang mga comment, ang dami pala niyang fans. Ibaback ko na sana kaso aksidente kong napindot ang follow button! Heck! Anong gagawin ko?!

Babawiin ko na sana kaso may biglang nag notif.

George_V started following you.

OMG! she followed me back. Lupa, lamunin mo na ako huhu.

"Dm ko ba? sabihin ko bang napindot ko lang? No! no! baka sabihin niya gumagawa lang akong way para kausapin siya" kinakausap ko na ang sarili ko

Biglang may nag dm sa akin at mabilis kong tinignan 'to, and heck! si George.

George_V: [Stalk well, ibon]

What the heck?!

Von: [Hindi kita iniistalk, aksidente ko lang napindot!]

Von: [And Yvonne, not Ibon!]

George_V: [Okay]

"That's all?! Wait, bakit ako naiinis?" tanong ko sa sarili ko

"Whatever" nilapag ko na sa table ang phone ko at matutulog na.

7am na pero eto pa rin ako, gising na gising, hindi ako nakatulog sa kaiisip dahil sa nangyari kagabi.

Chineck ko agad ang IG account ko at sakto may nag dm. Ohh si George ulit.

SUNFLOWERWhere stories live. Discover now