Chapter 65

210 10 1
                                    

2 left to go
*****
Kevin's Pov

Manang!! Nasaan po ang mga stuff stoys ko po? Wala po sa kama ko at cabinet,” tanong ko habang kumukuha ng pagkain sa lamesa.

Nawawala kasi iyong mga stuff toys ko ang alam ko si manang ang nag-ayos ng kuwarto ko kanina. Wala ako pinapapasok sa kuwarto ko kung hindi ako, si Manang at si Mom. Sino naman ang walang hiyang dumukot ng mga stuff–

Stuff Toys? Nandoon lang iyon sa kama at cabinet mo hindi ba?” nagtatakang tanong ni Manang at napakunot noo ako saka tinungo ang kapati kong si Claud.

Kinatok ko ang kuwarto nito at binuksan niya ngunit maliit na bukas lang. Nang makita niya ako ay ngumiti ito nang napakalaki saka sinarado ang pinto.

Sinasabi na! Isang lapastangang kapatid!

Clauuuuudd!! Buksan mo ang pinto!” hiyaw ko at nagpapadyak-padyak dahil sa inis. Hindi niya ba talaga bubuksan?!

Kevin, what are you doing there?” tanong ni Mom na kalalabas lang sa kuwarto at nakarob pa ito ng silky dress at suot na pambahay na tsinelas.

Mom, si Claud ayaw ibigay iyong stuff toys ko,” mangiyak-ngiyak kong wika at napailing si Mom saka siya tumungo sa kinatatayuan ko at kinatok ang kuwarto.

Binuksan ni Claud iyong pinto at pumasok si Mom.

Claud, did you take your brother's stuff toys?” tanong ni Mom dito at nilibot ang tingin sinamaan ko ng tingin ang kapatid kong nakasimangot.

No, po,” sagot ng kapatid kong nagpa-angil sa 'kin.

Sinuungaalinggg!!” pumasok ako sa kuwarto niya at nilibot ang tingin. Tumungo ako sa cabinet niya at hinanap doon.

Wala.

Ilalim ng cabinet.

Wala.

Sa kama.

Wala.

Ilalim ng kama.

Wala.

Ilalim ng blanket.

Wala.

Ilalim ng unan.

Wala.

Sa loob ng cr.

Wala.

Sa inidoro.

Wala.

Waaallaaaa! Bakit wala?! Kinuha ko ang lollipop na galing sa bulsa ko, ito kasi ang comfort ko sabi ni Ate Cass comfort daw ang lollipop. Sinubo ko ang lollipop at tumungo ako sa veranda ng kuwarto ni Claud para sana itapon ang balat ng lollipop pero pinigilan niya ako subalit hindi ko siya pinansin dahil ang basurahan niya ay nasa labas ng kuwarto, doon sa may veranda ayaw niya raw kasi maamoy sa loob ng  kuwarto lalo't naka air-conditioning daw.

Paglabas ko sa veranda napanganga ako at tumulo ang sipon at luha ko. Napaiyak ako.

Claaaaauuuudd!” sigaw ko sa galit at lungkot.

Ramdam ko ang hinagpis ko ngayon, iyak, lungkot, galit ang aking nararamdaman ngayon. Tumutulo ang sipon ko pero wala akong pake.

Nilagay niya sa plastic ang mga stuff toys ko! Ang malala pa nasa basurahan niya! Kaya pala pinipigalan niya ako lumabas ng veranda kasi nandoon ang mga stuff toys ko. Napasinghot-singhot ako sa iyak. Kinuha ko ang plastic na malaki ang laman ay mga stuff toys ko.

Pumasok ako ng kuwarto niya at galit siyang tiningnan.

Hays, kayo talagang bata kayo. Kevin, huwag kana magalit sa kapatid mo hindi naman niya sinasadya.” ano sinasabi ni Mom? Hindi sinasadya?! Sinadya niya! Tapon ko kaya car toys ni Claud.

S2: The Fighter Girl In Section GL (COMPLETED; Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon