Chapter 13

497 33 4
                                    


Arabella's Pov

Saan ako nagkamali? Sa pagmamahal sa'yo nang marami? Chouurr! Maraming mali at alam ko bagsak ako ngayon exam. Lintik kassii!

Nag che-check si Saviel ng mga test paper kasama si Clayden at ako. Andito kami sa room na bagong ayos dahil nilinis pala ito para sa amin, para sa mga officer at may mga faculty rin.

Kami ang nagche-check at nakita ko ang akin chineckan ko ito hindi naman puwede na magbura ako rito dahil mahahalata na nagchecheat ako, hahayaan ko na lang bumagsak ako may next time pa naman para bumawi o baka next life na Hahaha charot.

Napasampal na lang ako sa noo ko dahil mukhang bagsak talaga ako. WUAAAAAAAAAHH! 'di ko kakayanin bumagsak. Ngayon ay miyerkules ang araw na pagche-check namin sa test paper at mamaya ipapaskil ang grado ng mga studyante.

Pinapasok kami ni Dean nang maaga para makapag check agad ng exam ilang oras lang ang naitulog ko dahil napuyat pa ako sa kakaisip kung ano-ano and until noowwww inaantok pa rin ako pero kinakaya ko naman.

Dapat ang buhay ay inienjoy kahit dumating pa ang tagasundo ko charot

Nagtataka ako kasi hindi ko mahanap ang mga test paper ni Ruru dahil wala sa akin. Ilang section lang ang nasa akin pero hindi ko hawak ang test paper niya.

Nasa inyo ba ang test paper ni Zamireol?” tanong ko sa kanila at umiling naman sila bilang sagot sa katanongan ko.

Eh nasaan 'yon?!

Nasaan na 'yon?” tanong kong bulong sa sarili at tiningnan ang mga drawer ng lamesa ko at roon ko lang nakita ang mga test paper ni Ruru.

Bakit andito?

Ako na magche-chek ng kaniya, patapos na rin kasi ako,” ani ni Saviel at inabot ko naman ang papel sa kaniya.

Sa bawat exam namin ay hiwalay sa iba hindi katulad sa ibang school na hiwa-hiwalay ang subject sa amin ay hindi hiwalay sa subject kung hindi ay hiwalay ang pangalan.

Paliwanag ganito. Lahat ng subject ko sa teacher na meron ako ay ipagsasama at ibubukod sa ibang pangalan. Ang mga subject namin ay hindi pinagsasama dahil pangalan lang talaga, ang section naman ay binubukod sa ibang section.

Mamaya. . . Baka silang dalawa ni Clayden na kasama si Saviel or baka ang secretaryo ni Dean ang magpapaskil sa bulletin board ang mga grado namin sa exam.

Natapos ang kalahating oras na aming ginugol ay tumayo na kami at humikab pa ako pero huwag ka nagtakip ako ng bibig ano. Inayos namin ang mga papel at binigay naman ni Saviel ang papel ni Ruru sa akin at hindi ko na tiningnan ang mga test paper nito at inilagay na lang sa ilalim ng lamesa at lumabas na, ni-lock ni Clayden ang pinto at inilagay sa pocket niya sa may polo ang susi.

Pumunta kami sa Cafeteria imbis na sa mga room namin, ang sabi rin ni Dean kanina ay ipapaskil niya kung sino ang magiging escort. Maraming reklamo, maraming nagsabi na sana badjao o pangit ang maging escort ko kasi maaari gamitin ang muse at escort sa laban ng Inter high kapag dumating na. At ang muse naman ay puwede ilaban, iparampa bago maglaro ang mga basketball player.

Nang makarating kami sa loob ng cafeteria ay bumili lang kami ng simpleng pagkain. Sa kanila ay tag-isang burger at isang juice na orange. Akin naman at isang burger na spicy, limang pirasong siomai, isang jumbo hotdog na may tinapay, donuts na limang piraso at isang juice na strawberry dahil nakakapula ito ng labi kaya gusto ko mainom itong pula na inomin kahit nga ketchap ay pinapapak ko. 'Di ba? Simple lang ang order namin.

Napapangiwi pang tumingin ang dalawa sa akin at ani mo'y hindi makapaniwala sa kinakain ko na marami raw ang aking inorder pero para sa akin kakaunti lang ito at bitin pa.

S2: The Fighter Girl In Section GL (COMPLETED; Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon