Chapter 40: Game!

371 17 0
                                    

The day had passed, this is the best day ever! Nandito ako sa dalampasigan at naglalaro tapos nalunod ako. Joke!

Lumipas ang linggo mabilis lang ulit hindi ko nga alam kung bakit, nakalipas na rin iyong nangyari sa amin iyong luhaan dahil sa mga nag speech sa harap kasali na ako.

Sana kapag nag graduate ako dapat maka-speech din ako sa taas ng stage para maisigaw ko kung gaano kahalaga at katapang ang section GL iyong tipong masakit ang binabato ng karamihan sakanila at least naka graduate!

Dalawang linggo na ang lumipas ang pagliligaw ni Ruru sa akin palagi niya ako dinadala sa lugar o garden kapag kami lang para mag solol, dalawang linggo na rin nakalipas iyong tungkol sa speech at roleplay na naganap sa room nandito ako ngayon sa dean office kasama ang ibang officer.

Umagang DO agad. Pumunta kasi si Kiya sabi niya tawag kami sa office edi ayon pumunta kami binaba ko lang naman bag ko sa room hindi ko pa nakakadaldalan sila natawag ahad.

Handa na ba ang lahat?” tanong niya na nagpagulo sa akin.

Saan?

We have a deal right, officers?” nakangiting tanong ng Dean at tumango ang iba.

Humalukipkip ako at sumandal sa sandalan ng upuan.

What do you mean?” naguguluhan kong tanong.

Ms. Griano, mukhang hindi ka ata na inform, we have a games...” nakangiti nitong sabi at napaawang ang labi ko.

Games?! Ayoko! Hindi na ako bata.

September na ngayon baka nakakalimutan mo?” paano ko malilimutan ang September eh kinaltukan nga ako ni Kuya Gello kanina bago ako pumasok dito kasi raw gumagala raw ako.

Nagpapaalam naman ako!

Ngayon, ang gaganapin tungkol sa hamon ng buhay. Defend yourself if you can. Our games...is Defend yourself. Kapag hindi mo na depensahan ang sarili mo natuturing you're not guilty dahil sa larong ito parang tayo nasa korte. Maraming makasalanan ang nasa paligid na 'to gusto ko na mabawasan kahit kakaunti lang dahil sumasakit lalo ang ulo ko kapag unti-unti lang lumalabas, alam ko sa sarili ko na marami sila. Ngayon, payag ba kayo mailabas lahat?” tanong ni Dean at nag-isip kami.

Tama nga naman. Sa nakaraang araw kasi marami na lumalabas at lumaban. Kaya gusto ko rin mapalabas, ako rin kasi ang nasasangkot sa gulo lalo't muse pa ako at extra representative. May galit siguro iyong President ng school namin sa akin.

Deal,” payag ko at pumayag sila na ikinangisi ng Dean.

Are you ready to hear and see the defensive people?” tanong nito.

Ready!” sagot namin.

Then let them out of their room,” ngumisi ito na ikinangisi ko rin ng lihim.

Sige lang.

Game!

Sabay-sabay kaming lumabas at naglakad na ako ang kaso may narinig akong ingay kaya tumakbo ako room hindi lang pala ako sila rin pala nandito rin si Nathan e para maki-usisa.

Wow simula pa lang mukhang may mangyayari na hindi maganda. Good nagsisilabasan na sila!

Dalawang tao nagsisigawan sa isa't-isa. Babae at lalaki. Hays people nga naman.

Ano bang pake mo?!” sigaw ng lalaki sa babae.

Hindi ka ba titigil diyan? Sugal ka ng sugal!” sigaw ng babae sa lalaki at mukhang nagalit ang lalaki.

S2: The Fighter Girl In Section GL (COMPLETED; Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon