Chapter 24

587 33 4
                                    

Arabella's Pov

Discuss at discuss lang ang nagaganap ngayon buti nga may klase ngayon. Ano kaya meron at lahat ng teacher pumasok para turuan kami? Hmm. Kanina si Ruru masama ang tingin sa 'kin o sa amin gusto ko magtanong pero 'di ko na ginawa.

Ara, may partner kana ba bukas?” tanong ni Trevor sa akin at umiling ako.

Ikaw ba?” tanong ko sakaniya.

Wala. Pero, kasama ako bukas kasi officer ako dapat nga partner tayo kaso kasali ka sa journalism,” saad niya at tumango-tango ako.

Ibigsabihin lahat ng officer kasali bukas? Hindi puwede si Nathan eh.

Sino na lang yayayain ko?” tanong ko sa sarili.

Puwede naman iba,” sagot ni Trevor at napaisip ako.

Si Renz! Tama!

MAAAA'AAM! Si Trevor po dinadaldal si Ate Cass!” Napalingon ako kay Kevin dahil nagsusumbong siya kay Ma'am. Napatingin si ma'am sa amin at tinaasan kami ng kilay.

Kung hindi kayo nakikinig free to leave,” masungit na sabi ni ma'am at nag discuss.

Tsk! Sumbungero,” rinig kong bulong ni Trevor at napailing na lang ako.

Sumapit ang break time tumayo ako at nagsabi kay Trevor na lalapitan ko lang si Renz at hintayin niya ako tumango naman siya.

Pumunta ako sa puwesto ni Renz at naka-upo pa siya habang nakalumbaba.

Renz,” nag-angat ng tingin si Renz sa akin at nagtama ang paningin namin.

Puwede kaba bukas?” tanong ko rito at kumunot ang noo niya.

Saan?” takang tanong ni Renz.

Bukas. Gawin kitang assistant ko kasi bukas kami pupunta sa school,” saad ko kay Renz, “sasamahan mo rin ako papunta sa next room,” saad ko na walang tunog kay Renz at napakurap-kurap pa siya.

Sige. Bukas? Ano oras ba?” tanong ni Renz sa akin.

Hindi ko alam ang exactly time, pero siguro maaga,” sagot ko sa tanong ni Renz at tumango-tango siya.

Umalis na ako sa harap ni Renz at napadaan ako sa harap ni Ruru. Nagkasalubong ang tingin namin at inirapan niya ako bago tumayo at naglalakad na malalaki ang hakbang pero narinig ko pa ang sinabi niya.

Tsh! I'm here, why was he chosen?” huli niyang sabi nang makalabas siya.

Sino pinaparinggan non? Nag-away ba sila ni Amber?

Bumuntong hininga ako at naglakad na napunta ang tingin ko kay Nathan na busy mag magbasa napailing na lang ako at lumabas na sa room kasama si Trevor.

Nakita ko si Clayden na papalapit sa amin at malaki ang mga ngiti, inismiran niya si Trevor at hinigit ako ni Clayden kung saan, aangal pa lang sana ako nang mapagtanto ko na papuntang Dean office ang punta namin at pumasok sa loob nito.

Nandoon na ang ibang class officer maliban kay Nathan at Trevor na nasa labas pa si Ivan na nasa kulungan, si Hitaru, at Logan. Umupo na ako sa tabi ni Clayden at sumunod na pumasok ay si Trevor at Nathan, kasunod nang pagpasok ni Trevor at Nathan ang tatlo na ikinatayo ko sa gulat dahil kasama ni Hitaru at Logan si Ivan.

Wtf?

Tiningnan ako ni Ivan at inismiran lang saka siya umupo sa upuan katabi si Hitaru, Logan at Myembre.

Okay nandito na ang lahat,” ani ng aming Dean. “Since Mr. Smith ay nahatulan ng not guilty nakawala na agad siya sa detention, kaya ngayon buo ulit ang officer at walang mababago. Tuloy ang lahat na mangyayari, sa lunes ang field trip, bukas isagagawa ang dapat ninyong gawin sa isang school,” pagpapaliwanag niya at pinagkislop ang mga kamay na nasa table niya.

S2: The Fighter Girl In Section GL (COMPLETED; Under Revision)Where stories live. Discover now