Chapter 39 "L,H,Fr and Fa"

470 28 5
                                    

A/N: Para sainyo ano ang

Love, Happiness, Freedom and Family

***

Arabella's Pov

Umuwi ako sa bahay hindi naman ako napagalitan pagod na pagod ako pag-uwi hindi naman ako ginabihan bago kasi ako umuwi pinakain muna ako nila Ruru kasama si Lereus na kinukulit na rin ako iyong mga ka section namin pina-uwi ni Ruru masyado raw maingay at patutulugin si Jereus sabi nga ni Kevin 'Nayyy may favoritism! Dati ayaw kami paalisin ngayon gustong-gusto na' natatawa na lang ako sa mga sinasabi nila.

Hindi ko maipagkaila na hindi ko minamahal si Ruru, iyong lalaking 'yon? Totoo showy niya talaga akala ko trip niya lang mga sinasabi niya. Ilang araw na ba ako nagtatago ng feelings sakaniya at nagtatangahan pa rin.

Kasalukuyan akong nakahiga sa kama naghalf bath na ako kaya puwede na ako matulog pero syempre tinapos ko na ang gawain ko akala ko nga makakatakas ako lintek parang gusto ko na lang gumuho.

Si Amber naman wala umalis hindi ko na alam kung nasaang lumalop 'yon ang mahalaga babalik naman daw siya at may gagawin wala rin naman akong pake kasi tuwing nakikita siya umiikot na mata ko.

Si Jaysie naman nandiyan sa kuwarto niya nag-aaral kasi maghahanda raw siya para sa papasukan niyang university oo nga pala bakit ko nakalimutan na maghanda rin? Papaano kung hindi ako nakapasok? Hasyt Semi-College student na ako next year ano magagawa ko? Saan ako mag e-enroll?

Ah! Tumayo ako nakasuot naman ako ng pantulog kasi ayon naman ang suot ko tuwing gabi. Lumabas ako ng kuwarto at tumungo sa kuwarto ni Kuya Gello saka ito kinatok at bumukas ang pinto.

Bumungad ang lalaking matangkad at magulo ang buhok ngunit basa, nakasampay ang towel sa leeg. Nakasuot na cotton-shirt na blue Mickey mouse at pambaba na mickey mouse rin kasi partner naman.

What do you need?” tanong ni Kuya Gello at umayos ako ng tayo.

May tanong ako. Saan puwede mag-aral ng semi-college?” tanong ko at naningkit naman ang mata nito.

Sa school,” sagot ni Kuya Gello.

Napasampal na lang ako sa noo.

I know. I'm asking if saan puwede?” tanong ko.

School na puwedeng pasukan,” okay suko na ako kay Kuya Gello.

Ngumiti ako at nagpasalamat saka ako pumunta sa kuwarto at sinarado ang pinto. Pagpasok ko sa kuwarto tumungo ako sa study table ko at umupo sa upuan saka binuksan ang laptop. Hinintay ko mag-open para makapag-isip-isip ako. Maya maya kinonekt ko sa wifi iyong laptop at nag search ako.

University school from Laguna

Maraming lumabas pero naagaw ng atensyon ko ang isa.

Chikago University

Oy! Parang familiar. Teka...saan nga 'to? Ay malapit lang talaga rito? Wow! Saan banda kaya 'to? Saka na lang! Pinower off ko ang laptop saka ako pumunta sa kama at natulog.

Bahala na 'yon may next, next month pa naman.

KINABUKASAN nagising ako dahil sa alarm clock. Yes, nag alarm na ako baka kasi hindi ako magising tutal sarap buhay ako sa kama. Tumayo na ako at kinuha ang towel saka naligo at nag toothbrush, natapos ako nagbihis na ako, nagmedyas at sapatos saka dinala ang bag at bumaba na.

Pagkababa ko naabutan ko si Jaysie, Tatay nila Jaysie, at Amber na kumakain kaya kumuha na ako ng plato at kanin saka umupo sa upuan, kumuha ng ulam at kumain na lang.

S2: The Fighter Girl In Section GL (COMPLETED; Under Revision)Where stories live. Discover now