Chapter 56 "Ano"

231 10 0
                                    

Arabella's Pov

"Wow, p*rn," komento ni Maye.

"Sakit mo sa tenga, Alis," wika ni Iyah habang nakahawak sa dalawang tenga.

"Bakit kayo nag ki-kiss?! Wala pang kasal kumekerengkeng na kayo! Omaygad!" humawak pa sa dalawang pisnge si Alis.

Omaygad sila ano oras na nandito pa sila. Tinayo ko si Ruru at hanep ang lalaki ninakawan ako ng halik pagkatayo nito saka ako nilisan sa kusina kasama ang mga kaibigan kong gulat ang rumehistro sa mukha nila at habang ako ay natulala.

Shutang...ina, pang-ilan na iyon ah!

"Hala...p*rn ulit," nakatanggap na ng batok si Maye dahil bunganga nito. Lumapit ako sa kanila at tiningnan naman nila ako na may ngiti sa labi.

"Gabi na bakit nandito pa kayo? Matulog na kayo," wika ko sa mga ito.

"Naisipan ko kasi mag-gatas, pero iba iyong nadatnan ko rito," tugon ni Alis at may pagkakadiin pa sa mga salita niya.

"Sinamahan ko lang si Iyah para kumuha ng pagkain, pero iba iyong naabutan namin," ganuon din ang tono ng sagot ni Maye katulad kay Alis.

Mga utak talaga.

"Kayo, bakit kayo nandirito? At sa hating gabi pa???" tanong ni Alis.

"Para raw hindi malaman," komento ni Maye.

"Bawal b0ld dito," dagdag ni Iyah.

King-ina nang tatlong ito, parang hindi kaibigan ah. Daig pa iyong mga section GL-speaking off them. Nakakamiss sila, ilang araw kaming hindi nagkita sana ay kilala pa rin nila ako ay mali sana namiss nila ako. Wala naman silang amnesia para hindi ako makilala, ikaw talaga Ara.

"Wala! Iinom lang ako ng gatas, kayo ang issue ninyo. Magsi-uwi na nga kayo bukas," tinulak-tulak ko pa sila palabas ng kusina.

"Nyeeehh! Tangek mag dadagat tayo bukas eh! Bakit kami aalis, sino kaba," aba sini-sino na ako nito ni Maye ang kapal talaga ng babaitang ito.

"Ako lang naman ang may-ari nito kaya labas," pagtataboy ko sa kanila sa kusina at pinapaakyat sa guestroom nila.

"Walang sa 'yo beh! Prank lang iyon at gutom kami!" pagmamaktol ni Iyah.

"Kaya nga! Kayo kasi ng kasintahan mo naglalaswaan pa sa counter ng kusina!" Nanlaki naman ang mata ko dahil sa sinabi ni Maye.

Anong naglalaswaan?!

"Mariel!" suway ko rito at tumakbo ito papaakyat sa hagdan. Shemay ka, Maye!

"Tama na ang panonood ng b0ld, Sandy," wika ni Alis na ikinanganga ko at dinagdagan iyon ni Iyah.

"True, mansion po ito hindi-" namula ako dahil sa pinagsasabi nila kaya pinutol ko na ang sasabihin ni Iyah dahilan na napatakbo sila paakyat.

"Janea! Alisa! Mariel! Lagot kayo sa akin bukas!" namumula kong bulyaw sa kanila at inis akong tumungo sa kuwarto. Nagsisi akong bumaba pa para pumunta sa kusina. Inamo talaga, Ruru! Kasalanan mo ito! Minsan talaga mas gusto ko na lang maging hotdog kaysa dalhin ang kahihiyaan! Argh! Iyong tatlong iyon! Wala ng ginawang tama!

KINABUKASAN dala ko na ang bag na gagamitin ko, papunta kami sa malapit sa dagat at doon ko kukunin ang maalat na ubas na nanggagaling sa tubig alat. Sinabi kasi ni Tita Kasanra na mas maganda raw na kami ang kumuha kaysa bumili kami sa palengque na palaging nauubos at ano oraw na raw baka ubos na raw iyon.

S2: The Fighter Girl In Section GL (COMPLETED; Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon