Chapter 41

324 15 1
                                    


Kevin's Pov

Saan ka punta?” tanong ko kay Jace.

to the–

Tsk! Kahit saan,” inis niyang sagot at pumasok sa sasakyan niya saka sinarado ng napakalakas ang pinto.

Napangiwi ako at lumapit kala Roger. Pagkatapos ng alitan nila Jace, umalis na si Trevor ang sabi niya ay may sasabihin daw siya kung hindi raw kami umepal sana raw kasama na niya si Ate Cass, tapos si Jace naman gustong-gusto na sugurin si Trevor ang kaso kumakalma siya naalala niya raw si Ate Cass na sinabihan siya na huwag makipag-away kasi hindi na raw ito nakikipag-away.

Ang haba talaga ng hair ni Ate Cass, napapa-isip ako kung dati ba siyang Rapunzel sa dating buhay niya.

Ano nangyari? Nasaan si Ara?” tanong ni Roger sa akin at lumapit ang iba sa amin.

Nasaan na?” tanong ni Jp.

Hinigit ni Kuya Gel si ate Cass, iyong pinsan nila ate Cass,” tukoy ko sa pinsan ni Ate Cass na humigit sa kaniya.

Bakit daw?” tanong ni Lucas.

Emergency,” sagot ko.

Gurang na 'yon, tsk! Tara na,” aniya at sumakay sa sasakyan niya.

Gurang?! Gusto ko matawa kaso masama 'yon baka malaman ni Ate Cass kahit wala siya rito.

Sumakay ako sa backseat sa sasakyan ni Lucas ganoon din si Roger. Wala kasi magsusundo sa akin tutal magkapitbahay naman kami ni Lucas, pumupunta ako sa kanila. Mas malaki ang mansion nila kaysa sa amin pero mas lamang ang kayla Jace subrang laki tapos noong nakita ko iyong bahay ni Ate Cass sakto lang ang laki hanggang second floor 'yon. Iyong bahay nila Ate Cass parang bahay na masaya dahil sa awra na pumapalibot doon kala Jace pagpasok mo parang pinapalibutan ng madilim e kahit kumikinang na mga sahig dahil sa kintab at iyong itim na parang gold mabigat iyon.

Tumigil ang kotse sa isang liblib na lugar at tinatabunan na may malaking aluminum at nakalagay rito at ‘CLOSED’ gamit ang spray paint. Bumaba kami at kumatok sa may aluminum door, dito ang pinto nila sarado ang labas pero bukas ang loob.

Bumukas ang pinto at bumungad ang malaking may pangangatawan na lalaki at pinapasok na kami kasi kilala naman kami rito. Bumaba kami ng hagdan at ingay bumungad sa amin, maraming nagsasayawan na babae at lalaki, may naghahalikan sa mga upuan na ikinangiwi ko kahit na umiikot ang makulay na ilaw.

Iww disgusting.

Bumaba kami hanggang sa huling palapag. Tumango si Lucas sa akin at hinanap namin ni Roger ang section GL na pumunta rito. hinanap namin sila pero wala may mga babae pa ngang pilit nilalapit ang sarili nila sa amin pero winawaksi ko agad. Hindi ba sila naglilinis ng katawan? Ang lagkit ng mga balat! Buti pa si Kiya hindi hihi.

Huwag ka humagikhik diyan na parang timang, nandoon sila Jace ayon oh,” tinungo namin kung nasaan sila Jace.

Wala si Lucas mukhang kakausapin iyong may-ari ng bar na 'to. Umakyat kami sa hagdan dahil nasa second floor sila Jace kasi kita naman sila rito, lumapit kami sa kanila at umupo.

Si Lucas?” tanong ni Nathan.

Pumunta sa taas,” sagot ni Roger.

Sa langit?” tanong ni Aldrin at binato naman siya ni Roger ng can beer na walang laman.

Tarantado talaga 'tong si Aldrin.

Gague! Doon kung nasaan ang may-ari ng unp na 'to,” pagtatama ni Roger.

S2: The Fighter Girl In Section GL (COMPLETED; Under Revision)Where stories live. Discover now