Chapter 58

192 7 0
                                    

A/N: few more chapter we're gonna
proceed in the next season. Tomorrow is the day of thanks giving! To everyone, Happy Holiday! And, ang pov po ni xander ay matagal na sa memo ko. Thank you!

***
Arabella's Pov

Aalis na talaga kayo?” tanong ni Iyah at tumango-tango ako habang hinahatak ang maleta. Kasama namin si titas at lola kasunod na rin si  Chacha at tatay Melden.

Kasalukuyan kaming nasa airport, papunta na sa Pilipinas este sa Manila hindi kasama ang mga kaibigan ko. Iniwan ko ulit sa kanila ang aso kasi hindi siya puwede talaga i-uwi at isa pa nandiyan din naman si Agane ang batang kapatid ni Kiefer, sila naman ang nag-aalaga kay chichi.

Mukhang mag i-isang buwan na talaga ako rito sa Cebu at ayaw ako paalisin ng pitong ito. Nandito si Lincoln at Owen, kung kailan ako paalis na dito ang dalawa kaya masama talaga ang loob ko sa kanila dahil hindi sila pumunta sa bahay ning nandito ako sa Cebu.

Hoy, gaga, bumalik ka ah?! Mamimiss ka namin! Loka ka pa naman,” nagtawanan sila at napatawa na rin ako nakita ko si Iyah na nakangiti lang.

Nagpaalam na kami at nakita ko pa ang pag biglang pag-iyak ni Iyah. Iyakin talaga kahit kailan, kaya ayoko isama sila lalo na siya kapag aalis na kami, kaya rin hindi ako nagpaalam sa mga kaklase ko noong umalis ako sa Laguna kasi nga baka may umiyak at hilahin pa ako pabalik sa Laguna kapag nasa airport na.

Sumakay na kami sa airplane dahil tinawag na ang sasakayin naming eroplano. Mga bagahe namin ay nasa itaas lang at iyong iba naman nandito sa tabi namin dahil hindi naman mabigat. Ilang minuto lang pumaandar na ang eroplano, medyo natatakot ako kasi paakyat na ulit iyong eroplano feeling ko kasi paakyat sa langit.

Cha, bakit ka nga pala napasama?” tanong ko dahil katabi ko lang siya.

Ergh, babantayan ka malamang,” ako? Babantayan? Bakit? “Dahil hindi ka nila titigilan.” Alam niya siguro kung ano agad itatanong ko kaya hindi na niya pa ako pinatanong at nagsalita na agad siya.

Nakinig na lang ako ng music, iyong kantang nagpapa-relax sa akin. Sa hindi inaasahan. Narinig ko ang musika ng 'Patuloy ang pangarap' ito iyong kinanta ko noong naglinis kami, alam ko naman na nakatingin sila sa akin at na impress sa galing ko ba naman kumanta hahaha pati nakasali na ako sa mga concert pero lowkey concert lang okay na iyon sa akin.

NAALIMPUNGATAN ako nang may yumogyug sa aking balikat. Nagising ako at nandito na pala kami kaya napaayos na ako, baba na ang eroplano kaya napahawak ako nang maayos. Hindi ko alam nakatulog pala ako dahil sa musika na pinatugtog ko kanina lang.

Handa kana ba?” tanong ng katabi ko sa akin at napatango ako.

Isa pa lang naman ito eh kaya alam kong handa na ako para makita sila. Ano kaya sasabihin nila sa akin? Kapag nakita nila ako? Okay na lang. Nang makababa na ang eroplano, nagsi-ayos na kami at tumayo nang bumukas na ang pinto. Dahan-dahan kaming naglakad palabas ng eroplano.

Hellooo Philippines!” nakangiti kong wika kahit galing lang kami Cebu papuntang Manila lang kami.

Nag-Cebu lang tayo Ara, hindi tayo nag abroad kung saan,” napataas ang kilay ko at hinila ko na ang maleta ko papunta sa loob ng airport kasi nandoon daw iyong susundo sa amin. Sinuot ko ang shade ko at naglakad ako papunta sa loob noon at kumaway sa nakakasalubong ko may napapailing pa nga sa akin at nagbubulungan. Pake ba nila, mind your own business. Flip hair.

Miss Ara!” Napalingon ako roon at ngumiti saka binigay sa kaniya ang maleta ko. Siya raw ang butler ng aking lowlaa so anyways and highways nandito na kami sa Manila, forda ganda ng mga people now. Chour lang ang pangit pakinggan.

S2: The Fighter Girl In Section GL (COMPLETED; Under Revision)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora